^

Pang Movies

Top earning dead celeb Michael Jackson naka-$75-M ngayong taon!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Sa ikalimang taon, ang yumaong King of Pop Michael Jackson pa rin ang “top earning dead celebrity” ayon sa Forbes magazine.

Sa taong ito, kumita pa ang late singer ng $75 million dahil sa kanyang mga albums, sa Las Vegas Cirque du Soleil show at sa EMI music publishing catalog.

Noong 2009 sumakabilang-buhay si Jackson at isa siya sa best-selling musical artists in history. At the time of his death, his net worth was $1.1 billion.

Hawak pa rin ni Michael ang best-selling album of all time na Thriller na unang na-launch in 1982. Noong 2016, umabot na ang sales ng Thriller album sa $65 million worldwide.

Ang iba pang mga dead celebrities na kumikita pa rin ng milyones hanggang ngayon ay sina: Arnold Palmer $40 million; Charles Schulz $38 million; Elvis Presley $35 million; Bob Marley $23 million; Tom Petty $20 million; Prince $18 million; Dr. Suess $16 million; John Lennon $12 million at Albert Einstein $10 million.

Solenn barya-barya lang kung bayaran ng mga kaibigang nagpapa-make-up!

Inamin ni Solenn Heussaff na kaya siya nag-aral na kung paano maglagay ng mag-make-up ay dahil sa na-heartbroken siya sa isang ex-boyfriend noon.

Tuwing sasapit daw noon ang Halloween, nalulungkot si Solenn dahil bumabalik daw sa alaala niya ang nangyari sa kanya ng ex-bf niya.        

Pero ngayon at kasal na siya sa mister niyang si Nico Bolzico, happy na si Solenn tuwing may nagpapa-make-up sa kanya.

“Actually nag-aral ako ng fashion designing and pattern making, three years sa France. Tapos bumalik ako dito to get back on my boyfriend, tapos hindi nag-work.

“So na-heartbroken ako, so kailangan ko makahanap what will I study? So sabi ko sige mahilig naman ako mag-paint, sige mag-try ako ng make-up,” sey niya.

Pagkatapos ng tatlong buwan sa kurso na makeup, nag-aral din ng isang taon si Solenn ng makeup prosthetics. Kaya nagiging takbuhan siya ng ilang mga kaibigan tuwing Halloween.

“Lahat ng Halloween lagi ako.

“Actually it’s not really an advantage to know, napapagod ako.

“Dapat masaya ang Halloween, tapos ilang mukha kailangan kong gawin.

“Eh walang bayad, kaibigan-kaibigan price lang,” tawa pa niya.

Big success ang painting exhibit ni Solenn na Kalsada sa Provenance Gallery sa Shangri-La, The Fort. Hanggang November 5 na lang ito.

Sinon inirampa ang 12 pulgadang takong sa Taiwan

Walang makakapigil sa King of Catwalk na si Sinon Loresca sa pagrampa niya dahil noong nakaraang October 28 ay naimbitahan siyang rumampa sa kalsada ng Taipei, Taiwan para sa taunang Pride March doon.

Masayang-masaya si Sinon sa mga post niya sa IG ng kanyang pagrampa kasama ang LGBT community ng Taipei. Dala niya ang kanyang signature 12-inch heels at super rampa siya.

Nadala na nga niya ang kanyang pagrampa sa Indonesia, Singapore at United Kingdom.

Heto ang mga post ni Sinon sa IG:

“This is how you represent the Philippines in the International stage.. WELCOME to Taiwan.. P.S Ganito ako nila ka mahal #Star#kingofcatwalk

“DON’T BE AFRAID TO SHOW OFF YOUR TRUE COLORS  #taiwanpride #kingofcatwalk Thank You TAIWAN PRADE for having me! #TeamRainbow Spread the LOVE not HATE”

Kelan lang ay na-achieve na ni Sinon ang 1 million followers sa Facebook.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with