^

Pang Movies

Fans nabuhayan ng dugo Julia lumantad na sa nararamdaman kay Coco

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Nagkagulo ang CocoJuls fans nina Coco Martin at Julia Montes dahil sa birthday video greetings ng huli sa una na ipinost ng Coco Martin PH sa Instagram account last Nov. 1, ang mismong kaarawan ng Kapamilya Primetime King at bida ng FPJ’s Ang Probin­syano.

“Hi Co, happy, happy birthday! Enjoy your special day, siyempre, and I wish you all the best. And good health dahil napaka-busy mo, pero saludo kaming lahat na mga nakatrabaho mo kasi napakabuti mong tao, napakadali mong katrabaho, at napakabait mong tao.

“I’m so happy and very, very proud of you lahat ng mga achievements na natanggap mo and, of course, sa lahat ng dreams mo na unti-unti mo nang natutupad.

“I know God will guide you, God will protect you, and God will give you more knowledge kasi pinapahalagahan mo at hindi ka nakakalimot sa Kanya, at iniingatan mo at shini-share mo rin sa mga nakakasama mo. At saksi ako doon doon, sa talent na mayroon ka at binigay ni God sa ‘yo,” pahayag ni Julia sa video greetings.

Wish ng aktres na sana raw ay makamit lahat ni Coco ang mga nais pa nito at patuloy na i-guide ni God.

“Sana lahat ng dini-desire ng heart mo, lahat ng pinagpi-pray mo, sana i-guide ka ni God, sana i-grant ‘yun ni God for you. Happy, happy birthday,” pagtatapos ni Julia sa kanyang birthday message for Coco.

Bale ba, bago ito ay nag-post si Julia sa kanyang IG account ng larawan ni Coco at walang mensaheng kasama. Basta’t nilagyan lang niya ng birthday cake emoji na siyempre, kung fan ka, madi-disappoint ka dahil walang sweet message man lang.

Pero may pasabog pala later on sa video greetings na talaga namang halos ikamatay ng CocoJuls sa tuwa. Nakakatuwang basahin ang mga komento nila at mahahawa ka sa kaligayahan nila.

Si Julia ang huling video upload ng mga stars na bumati kay Coco sa naturang IG page at pati ito ay ikinakilig ng fans. Ibig daw sabihin ay pinaka-special ang aktres kaya siya ang finale.

Needless to say, nabuhay talaga ang mga dugo ng mga CocoJuls fans dahil sa video greetings ni Julia at ang daming nagwi-wish na magtambal na sila ulit.

As we all know, matagal nang nali-link sina Coco at Julia at marami ang kumbinsido na talagang sila na pero up to now ay wala pang pag-amin na nanggaga­ling sa kanila.

Samantala, sa kanyang IG account ay nagpasalamat naman si Coco sa lahat ng biyayang dumada­ting sa kanya all these years at sa lahat ng mga taong sumusuporta’t nagmamahal sa kanya.

“Thank you Lord sa lahat ng blessing mo sakin at sa family ko. ang dami ko man sablay sa buhay at pagkatao ko pero kahit kailan hindi mo ako pinabayaan at iniwan.

“Salamat sa lahat ng mga taong nakasama ko sa paglalakbay. Sa lahat na naging parte ng buhay ko sa lahat ng mga taong tumulong at umalalay sakin muna noon hanggang ngayon sa family ko sa mga kaibigan, katrabaho sa mga boss ko at sa lahat ng mga taong nagmamahal at naniniwala sakin maraming maraming salamat po sa inyo lahat!!!” ang post ni Coco.

Xian hindi na mayakap si Kim

May pasabog din si Xian Lim sa kanyang Instagram account last Wednesday na ikinakilig naman ng mga fans nila ni Kim Chiu (KimXi fans).

Nag-post siya ng kanyang suporta para kay Kim sa Ghost Bride movie nito at tinawag pa niyang “delicate petunia” (isang klase ng bulaklak) ang rumored girlfriend.

“To this delicate petunia, congratulations @chinitaprincess! I know how hard you’ve worked and waited for this film. You are talented and one of a kind.

“Congratulations in advance! I want to hug you right now because I’m so happy for all your success pero busy ka pa always remember dami nag mamahal sayo  Ghost Bride now showing!” ang post ni Xian.

Bukod dito, dumating din si Xian sa special screening ng Ghost Bride last Wednesday bilang suporta pa rin of course sa pelikula ni Kim.

Puring-puri ng netizens si Xian sa pagka-suppor­tive boyfriend nito at in-assume na rin talaga nila na magkarelasyon na ang dalawa.

Well, hindi naman idine-deny nina Kim at Xian na may feelings sila sa isa’t isa pero ‘yun nga lang, hindi pa sila umaamin officially na sila na.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with