^

Pang Movies

Kasalan na kaya? KC at Aly ‘di na naghihiwalay!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Obviously, mukhang seryosohan na ang relasyon ni KC Concepcion at ng kanyang sportsman-boyfriend na si Aly Borromeo.

Magkasama sila sa birthday celebration ng news anchor at TV host na si Julius Babao.

Julius turned 50 exactly. Dalawa ang anak nila ni Christine Bersola, sina Antonio at Antonia.

Husband and wife are both devotees of the Divine Healer, Santo Pio.

Of Aly, parehong approve ang magulang ni KC na sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta sa kanya noong una pa lang siyang makilala ng mga ito.

Of KC, who seems no longer interested in a showbiz career, keeps herself busy with her duty as National Ambassador Against Hunger of the United Nations’ World.

Bu the way, magkaibigan na pala sina KC at dating Pinoy Big Brother (PBB) Dream Team runner-up na sina Kisses Delavin.

Sam sure na sa pamilya ni Kiana

It looks like na tanggap sa pareho nina Gary Valenciano at Angelica Pangilinan na, in time, mapapabilang na sa kanilang pamilya si Sam Concepcion.

Si Sam ang napapabalitang kasalukuyang boyfriend ng bunso at nag-iisang anak na babae ng mag-asawa, si Kiana.

Performer din si Kiana bukod sa nagku-compose rin siya ng mga kanta.

Sam, along with Gary’s group, went on a tour sa North America kamakailan.

Karla may hula sa anak ni Michelle

Parang nag-reunion sina Karla Estrada at Michelle Ortega nang mag-guest sina Michelle at anak na si Ysabel Ortega sa Magandang Buhay, na hinu-host ni Karla kasama sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal.

Nagsimula sina Karla at Michelle sa That’s Entertainment ni German Moreno. Sa That’s Entertainment ‘hinahasa’ ang mga feel ni Kuya Germs na may hinaharap sa local entertainment world.

And he obviously saw in both Karla and Michelle ang pagiging future assets sa showbiz. And, happily sabi nina Karla at Michelle, hindi nagkamali si Kuya Germs.

Sikat na ang anak ni Karla na si Daniel Padilla at hula nito, may maganda rin naghihintay kay Ysabel sa showbiz. “Magtiyaga ka lang, anak,” ani Karla kay Ysabel.

Unang napanood si Ysabel sa serye nina Nadine Lustre at James Reid na On The Wings of Love (OTWOL). Kamakailan lang ay napasama naman siya sa cast ng Pusong Ligaw.

Ysabel’s dad is former Senator Lito Lapid, a most popular action star in his time.

Pawang aktibo ang mga ama nina Ysabel at Daniel sa showbiz. Napapanood si Lito sa FPJ’s Ang Probinsyano at si Rommel Padilla naman ay katatapos lang umapir sa The Better Half.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with