^

Pang Movies

Jasmine Curtis tumanda ang hitsura sa kapayatan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Biktima ng body shaming ngayon ng netizens si Jasmine Curtis-Smith dahil sa sobrang kapayatan daw nito.

Nag-viral ang isang photo ni Jasmine kung saan napansin ng maraming netizens ang sobrang kapayatan niya. Umani tuloy ito ng maraming negative comments.

Kabilang sa mga comments ay sinabi na “anorexic” at “mukhang tumanda” si Jasmine. Mas gusto raw nila ang dating katawan ni Jasmine.

Sa Twitter ay naglabas ng kanyang mensahe si Jasmine na nasasaktan din siya sa ginagawang body-shaming sa kanya ng netizens. Mahirap daw na basta na lang i-ignore lahat ng negative comments.

“It would be a lie to say I dont get affected.. but i try to pull through and ignore. And also just make people aware of how such comments can hurt people regardless if out of concern or just an opinion shared. There are other ways of communicating it better, I hope,” tweet pa ni Jasmine.

Unang naging concern ang mga followers ni Jasmine sa Instagram noong mag-post ito na suot ay isang bikini sa may swimming pool. Doon nila unang napansin ang sobrang kapayatan ng aktres.

“Hi all! Yep, i lost quite some weight recently, nothing to be concerned about. That’s what happens when you’re all around at home, at work, and at life. And I’ve been eating fairly clean lately. Been living without any househelp and siguro ung katawan ko nabigla sa physical activities. Dont worry, am working to get some mean back on!” caption pa ni Jasmine.

Winner ng singing competition, nagkalat ang video na pinaliligaya ang sarili

May rason para ma-stress ngayon ang isang male singer dahil sa pagkalat ng kanyang tinatagong video scandal.

Hindi nga raw akalain ng naturang male singer na mahuhukay pa ng kung sino ang isang video ng kanyang pagiging mapusok. Pinagsisisihan na raw niya ang nagawa niyang ito.

Ayon sa aming source, matagal na raw ang video scandal na iyon ng male singer bago pa ito manalo sa isang singing competition sa TV. Hindi raw nito akala na muling lilitaw ito para takutin siya.

“Kumalat na ito noon sa probinsya nila. Pinagpasa-pasahan ng mga beki.

“Teenager pa lang daw siya noon. Curious sa maraming bagay. Nagkataon na ang pakikipag-sex chat ang napagkainteresan niya.

“Dala ng kabataan, hindi niya naisip na puwede pala siyang ma-record ng ka-sex chat niya.

“Da who pa kasi siya noon kaya noong kumalat, hindi ito masyadong ininda ni male singer.

“Eh ngayon at kilala na siya, mu­ling bumalik ang scandal na iyon kaya ngayon napapraning siya.”

Wala namang magawa ang mga taong nasa likod ng career ng male singer dahil mabilis kumalat ang scandal nito sa social media. Kasalukuyang pinagpipistahan ng mga beki ang scandal niya sa isang gay website.

“Kung sana tago ang mukha niya, madaling ma-deny ito. Kaso kitang-kita ang face niya sa buong video.

“Kaya paano niya maitatanggi ito?

“Panindigan na lang niya ito at sa sana’y kapulutan ito ng aral ng mga mapupusok na kabataan ngayon.

“Na kung gagawa sila ng scandalous video, magmaskara naman sila para ‘di sila makilala,” talak pa ng source namin.

Matapos umaming nang-rape ng kapwa lalaki, Award wenning actor

na si Kevin Spacey tsinugi sa Netflix!

Dahil sa issue ng sexual harassment, nagdesisyon ang Netflix na tapusin na ang pinagbibidahang drama series ng Oscar and Golden Globe winner na si Kevin Spacey na House Of Cards.

Kasalukuyang sinu-shoot ang ika-6th season ng critically-acclaimed drama kung saan gumaganap si Spacey bilang isang ruthless American politician named Frank Underwood.

Ayon sa Netflix, ito na ang magiging last season ng series dahil sa pagka-involve ni Spacey sa isang sexual assault scandal.

Biglang kasing napaamin si Spacey na siya ay isang gay dahil sa pag-akusa sa kanya ng isang aktor na hinalay siya ni Spacey noong 14-years old pa lang siya.

Ang Star Trek: Discovery actor na si Anthony Rapp ay isinambulat sa media na noong 1986, sa edad na katorse, ay na-sexually harass siya ni Spacey sa isang party.

Ayon naman kay Spacey, wala raw siyang recollection sa gabing iyon dahil malaman ay la­sing siya kaya naging inappropriate ang behavior niya kay Rapp.

Dahil sa allegation na ito, napilitan na mag-out na sa public ang award-winning actor at mag-apologize sa anumang ginawa niya kay Rapp.

Sa isang statement ni Spacey tungkol sa kanyang pagiging gay: “I have had relationships with both men and women. I have loved and had romantic encounters with men throughout my life, and I choose now to live as a gay man.”

Pero ang biglang pag-amin niya dahil sa accusation sa kanya ay hindi maganda para sa LGBT community. Pinulaan siya ng maraming gay activists dahil sa ginawa nito 31 years ago.

Nanalo ng dalawang Academy Awards si Spacey. Una as best supporting actor for The Unusual Suspects in 1996 at best actor naman in 2000 for American Beauty.

Noong 2015, nanalo si Spacey as best actor in a drama series for House of Cards sa Golden Globes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with