^

Pang Movies

Dantes’ League wagi ang costume!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Bongga ang Halloween costumes ng Dantes family at kung kasali sila sa Best in Halloween costume contest, sure winners sina Dingdong, Marian at ang kanilang anak na si Zia.

Ang cute ni Zia sa kanyang unique batgirl costume at mukhang Batman talaga si Dingdong na hindi halata na pinaghandaan ang Halloween. Believable naman na Catwoman si Marian na pinagpahinga muna ang kanyang Super Ma’am costume.

Nakakatuwa na ini-enjoy ng Dantes family ang lahat ng mga okasyon na siguradong matatandaan ni Zia sa paglaki nito.

Lumilitaw tuwing Halloween ang creativity ng mga artista. Seventy years-old na ako kaya hindi na ako interesado sa mga Halloween party at costumes. Kung maiimbitahan man ako sa Halloween party, as myself na lang ako, wah na ako wear ng nakakatakot na costume.

Mga bumisita sa puntod hindi nagpahadlang sa ulan

Masungit kahapon ang panahon dahil sa malakas na ulan pero hindi ito naging hadlang para hindi bumisita sa mga sementeryo at memorial parks ang mga tao para bisitahin ang puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Hindi na ako nakikipagsiksikan sa memorial parks tuwing  All Saints Day dahil every Monday ang pagdalaw ko sa libingan ng mga magulang at kapatid ko na kinuha na ni Lord.

Ipinagdarasal ko na lang sa bahay ang mga kaluluwa ng mga kaibigan ko na hindi ko napupuntahan ang libingan tulad ni Douglas Quijano na ipina-cremate at pinaghati-hatian ng mga talent niya ang kanyang abo kaya walang puntod na puwedeng bisitahin.

Hindi nawawala sa panalangin ko si Rudy Fernandez na nakalibing ang labi sa Heritage Park na mahirap puntahan dahil overacting ang trapik sa C5. I’m sure, naiintindihan ako ni Rudy dahil noong nabubuhay pa ito, nasanay na siya na pinagtataguan ko ang mga alaga ko at nakikipag-usap lang ako kapag nasa mood ako.

Nakaka-miss si Rudy na isa sa mga first caller ko sa telepono  tuwing umaga noong alive pa siya. Ang bilis talaga ng takbo ng panahon dahil sa susunod na taon, isang dekada na mula nang sumakabilang-buhay si Rudy na isa sa mga pinakamabait na action star at tao na nakilala ko.

Hindi lamang sina Rudy at Douglas ang mga ipinagdasal ko dahil nag-alay din ako ng prayers para sa mga kasamahan ko sa hanap-buhay na nauna nang mag-rest in peace.

Rocco at Sanya tiyak na pipintasan

Parehong rarampa sa 30th anniversary show ng Bench sina Rocco Nacino at Sanya Lopez, ang mga bida ng Haplos, ang top-rating afternoon drama series ng GMA 7.

Kahit puyat at pagod sa tapings ng Haplos, may panahon ang dalawa na pumunta sa gym bilang paghahanda sa pagrampa nila sa fashion show na mangyayari sa November 18 sa Mall of Asia Arena.

Actually, hindi kailangan ni Sanya na mag-effort dahil natural na sexy at maganda ang katawan niya.

Si Rocco naman, dati nang conscious sa figure niya pero todo-training pa rin dahil sa kanyang first time na pagrampa na underwear lamang ang suot.

Normal ang kaba na nararamdaman nina Sanya at Rocco sa gagawin nila dahil  siguradong may mga maririnig sila na mga negative at positive comment mula sa mga tao na happiness na ang mang-intriga at maghanap ng kapintasan ng kapwa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with