^

Pang Movies

Young actor ipinagkalat ang kaelyahan ng sexy actress!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kiss and tell ang young actor na ito dahil ibinida pa nito sa kanyang showbiz friends ang sexcapades niya sa isang sexy actress bago siya pumasok sa showbiz.

Nakilala kasi ang young actor dahil sa pagsali nito sa isang reality show. Pero bago pa man ay nagmo-model na siya at nakilala niya ang sexy actress na siyang nakauna sa kanya.

May pagka-dominante lang daw ang sexy actress dahil gusto nito ay siya ang nagtuturo sa young actor ng kung ano ang gagawin nito kapag nasa kama o kahit saan man sila abutan.

Minsan daw ay nasa taping ang young actor nang tawagan siya ng sexy actress. Kaso ay hindi makaalis ng set si young actor dahil marami pa raw siyang eksenang kukunan bukod sa ang layo ng location nila.

Pero hindi iyon nakapigil sa nag-iinit na sexy actress dahil pumunta ito mismo sa location ng taping ni young actor para lang magtikiman sila.

Hindi na nakatanggi ang young actor sa gusto ng sexy actress kaya noong mag-dinner break ay nagpaalam muna ito para bumaba sa bayan at may bibilhin lang daw. Pero dumiretso ito sa isang hotel na malapit sa location nila kung saan naghihintay ang sexy actress.

Kaya noong bumalik nga raw sa set si young actor ay para itong lantang gulay na namumutla at pagod na pagod.

Katwiran niya na napagod siya sa paghanap ng ipapasalubong niya sa kanyang girlfriend.

Mabuti na lang daw ay hindi pa siya ang kukunan kaya nakatulog pa ito para mabawi ang lakas na ninakaw sa kanya ni sexy actress.

Babalikan si Justin Bieber? Selena kinalasan na ang canadian singer na bf

Pagkatapos ng sampung buwan ay naghiwalay na sina Selena Gomez at ang boyfriend niyang si The Weeknd na kilala rin sa tawag na Abel.

Ayon sa People magazine, ang trabaho nila ang naging dahilan ng kanilang paghiwalay.

“She and Abel have been going back and forth for a few months about their relationship. It’s been hard with him being on tour and her shooting in New York. That wasn’t easy on them. It’s over for now, but they’re still in touch.

“It’s been hard for them to come to the realization that this is the direction things were heading, but it’s been hard for months.”

Pero wala raw kinalaman ang ex-boyfriend ni Selena na si Justin Bieber sa paghiwalay ng dalawa. Ang church lang daw ang common denominator ng dating magkarelasyon.

Unang na-link sina Selena at The Weeknd noong January 2017 nang makita sila na nag-dinner date.

Bumiyahe rin silang dalawa sa Italy hanggang sa pumunta sila ng Canada para makilala ni Selena ang parents ni Abel.

Sa Met Gala noong February 2017 ay opisyal na nilang sinabi na may relasyon sila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with