^

Pang Movies

Kaya nasa Korea?, Anne at Erwan may ginagawang K-Drama?!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Kasama naman pala ni Anne Curtis ang fiancé niyang si Erwan Heussaff sa South Korea base sa nakita naming post niya kahapon sa Instagram.

Nag-post si Anne ng larawan nila ni Erwan habang nasa Nami Island na Korean drama ang peg dahil pasan-pasan siya sa likod ng kanyang future husband or “piggyback” na karaniwang napapanood sa mga K-drama.

Sa caption ay nakalagay ang “mon amour” na “my love” ang ibig sabihin.

Kinakantyawan tuloy sila ng netizens kung anong K-drama raw iyon, ha-ha-ha!

In all fairness to Anne, talagang hindi naman totoo ang tsikang dahil sa marangyang kasal nina Song Joong-Ki at Song Hye-Kyo - na ginanap kahapon, October 31 - kaya siya nagpunta sa Seoul.

Habang ginaganap kasi ang Song-Song wedding ay nasa Nami Island nga sila at wala rin siyang post about it.

Ex-hubby ni Isabel nakarating na sa Qatar

Finally ay nasa Doha, Qatar na ang ex-husband ni Isabel Granada na si Jericho Aguas aka Geryk Genasky. Lumapag siya sa Hamad International Airport kahapon ng umaga.

Matatandang naiwan si Jericho sa Pilipinas at hindi nakasama sa nanay ni Isabel na si Mommy Guapa at 14-year-old son na si Hubert Thomas Jericho na naunang umalis.

Bago umalis ay ni­linaw ni Jericho sa kanyang FB page na sa pagpunta niya sa Qatar ay para lang magbigay ng suporta at wala nang iba.

“Miracles do come true. Ituloy ho natin ang prayers para sa paggising ni Isabel. lumabas na ho ang aking Qatar visa at lilipad na mamayang 12am. Ako po ay tutu­ngong Qatar para suportahan at alalayan ang aming anak at si mama gwapa.

“I am in constant com­munication with Isabels current partner, Ar­nel , and told him for the record that I have no intention on stepping on his shoes (if ever he feels uncomfortable with me being there). I am there for my mag-Lola (Hubert is only 14)..

“And of course to contribute whatever I can for the revival and recovery of Isabel. At the same time, I thank the understanding of my current partner as well Jaycee Parker I love you so much..” post ni Jericho.

As we write ay wala pang bagong update ang konsehal ng Angeles City tungkol sa kalagayan ni Isabel pero tulad nga ng hiling niya, patuloy nating ipagdasal ang aktres who’s been in comatose for one week now.

?Sen. Cynthia namigay ng bahay sa mga sundalo

Bilang pagpupugay sa ating matatapang na sundalo na nalagay sa panganib ang mga buhay dahil sa pakikipaglaban sa mga terorista sa Marawi City, humingi ang TV host na si Willie Revillame kina former Senate President Manny Villar at asawa nitong si Sen. Cynthia Villar ng tatlong house and lot mula sa Bria Homes.

Ang mga sundalong nanalo sa raffle ay sina Piccolo dela Cruz ng Malabon, Fernando Julian ng Pangasinan at Jesus Pancho III ng Gen. Trias, Cavite.

Si Willie naman ay nagbigay ng P1 million para sa mga pamilyang naulila ng kanilang mahal sa buhay.

Makikita sa larawan sina Willie, Sen. Villar at retired AFP Chief of Staff at incoming DILG Sec. Gen. Eduardo Ano with the winners holding certificates to their new house and lot.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with