^

Pang Movies

Angelica wala nang paki sa paniningit sa pila?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Angelica wala nang paki sa paniningit sa pila?!

Angelica Panganiban

Dedma pa rin si Angelica Panganiban sa isyu ng paniningit sa pila sa Immigration. Wala s­iyang reaction sa kanyang social media account.

Nakatutok na ang attention ni Angelica sa ginagawa nilang movie ni Judy Ann Santos na Ang Dalawang Mrs. Reyes na kinukunan sa Taiwan ang ibang mga eksena. Ang nasabing pelikula ang rason kaya siya bumiyahe sa Taiwan na pinagmulan nga ng isyu ng paniningit sa pila.

Bagama’t sumagot ang isa sa mga kasama nilang si Juan Sarte at nagpaliwanag ito na walang nangyaring ganun pero pinanindigan ng nagreklamo na naningit talaga sila sa pila.

Anyway, balitang next year na ipalalabas ang Ang Dalawang Mrs. Reyes

Trick or Treat, ang laking negosyo na

Ang laking negosyo na rin dito sa atin ang Trick or Treat.

Dati parang walang ganyan. Ang naalala lang natin, may ibang nangangaluluwa lalo na sa mga probin­siya. Pero ngayon kabi-kabila ang Trick or Treat at ‘pag sasali ka, may bayad na P500 to P1,000. Bongga ‘di ba?

Noon napapanood lang natin sa mga cable channel ang ganyan, ngayon sa mga mall, hotel, at kahit sa mga bara-barangay meron na.

Basta ‘wag nating kalimutang ipagdasal ang kaluluwa ng mga namayapa nating kamag-anak at ‘yun naman ang pinakaimportante ngayong Araw ng mga Santo at Araw ng mga Kaluluwa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with