^

Pang Movies

Pia seksing-seksi, wala sa hitsurang nanganak , kinaiinggitan ng mga bagong panganak

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Alam n’yo ba na kinaiinisan si Pia Guanio ng mga kababaihan, lalo na ang mga bagong panganak na mommies?

Inis kay Pia ang mga bitter mother dahil bumalik na siya kahapon sa Eat Bulaga at sa kanyang pagbabalik, hindi halata na nagsilang siya ng baby girl, five months ago.

Seksing-seksi na uli si Pia na hindi naman talaga tabain kaya marami ang inggit sa sexy figure niya. May mga tao talaga na mabilis pumayat at kabilang si Pia sa mga mapapalad.

Regular na uli na mapapanood sa Eat Bulaga si Pia. Hindi na sila nagpang-abot ni Pauleen Luna na hindi na nagpakita kahapon dahil start na ng kanyang maternity leave.

Biglang lumaki ang tiyan ni Pauleen matapos ang mga baby shower para sa kanya. Parang gustung-gusto na talaga na lumabas ng magiging anak nila ni Vic Sotto.

The Haunted inaabangan

Tonight na pala ang bonggang premiere night ng Spirit of the Glass 2: The Haunted sa SM Megamall Cinema 7.

In full force na dadalo sa premiere night ang mga bida ng pelikula, sina Cristine Reyes, Maxine Medina, Benjamin Alves, Daniel Matsunaga, Janine Gutierrez, at Ashley Ortega, kahit umapir na sila sa celebrity premiere na nangyari sa same venue noong October 26.

Ang sabi ni Boss Orly Ilacad, magsusuot ng Halloween costume ang mga artista ng pelikula niya. Nag-promise rin si Boss Orly na pati siya, nag­handa ng Halloween costume.

Confident si Boss Orly na tatangkilikin ng moviegoers ang horror movie ng kanyang movie outfit dahil positive ang mga feedback na natatanggap niya.

Ganado uli si Boss Orly na mag-produce ng pelikula dahil sa susunod na taon, baka mahigit sa lima ang pinaplano niya na movie project at napakagandang balita nito bilang maraming artista at movie workers ang mabibigyan ng trabaho.

Bagong primetime show magagaling ang artista

True na nagkaroon kahapon ng story conference ang GMA 7 para sa bagong primetime show nila pero hindi pa tiyak ang final title.

May mga lumalabas nang balita tungkol sa coming soon program ng Kapuso Network pero my lips are sealed. Ayoko na manggaling sa akin ang mga detalye kaya mas mainam na hintayin natin ang official statement ng GMA 7 management.

Basta ang tanging masasabi ko, kaabang-abang ang primetime teleserye dahil maganda ang kuwento nito at magagaling ang mga gaganap na artista.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with