^

Pang Movies

JaDine hindi masisilayan sa fashion show ng Bench!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
JaDine hindi masisilayan sa fashion show ng Bench!

James Reid at Nadine Lustre

Hindi na dapat mag-hope ang fans nina James Reid at Nadine Lustre na rarampa sila sa 30th anniversary show ng Bench sa November 18 sa Mall of Asia Arena.

Nag-expire na ang kontrata ng dalawa sa Bench at sila na ngayon ang mga bagong celebrity endorser ng Folded & Hung.

Mabuti nang malinaw ang isyu dahil umaasa ang loyal fans nina James at Nadine na masisilayan sila sa fashion show ng Bench.

Ilang celeb endorsers maaarte ang manager!

Muntik nang hindi i-renew ng Bench ang kontrata ng ibang mga celebrity endorser (hindi ang JaDine) ng kompanya.

Napakahirap daw kausap ng mga manager ng mga artista na hindi naman kasikatan pero nag-iinarte ang kanilang mga handler sa pagpirma ng kontrata.

Hindi naman sila kawalan sa Bench dahil mas maraming sikat na artista ang nananatili na ambassador ng kompanya ni Papa Ben Chan. Sila pa nga ang mawawalan ng bonggang exposure sa mga billboard at stores ng Bench.

Ang ending, pumirma rin ng kontrata ang mga artista na in fairness, walang kinalaman sa primadonna attitude ng kanilang mga manager at handler.

Kaya nagtagal sa industriya Bambbi, sinamahan ng bait ang magic wand

Ang tagal ko na sa showbiz, more than 40 years na, ang dami ko nang na-meet at nakatrabaho na make up artists, designers, stylists, at kahit siguro hindi naman ako mahilig sa make up o outfit, kaya ko naman na i-rate ang mahuhusay at ang mga hindi mahuhusay.

Sa trabaho, ang talagang nagtatagal, hindi lang ang mga mahusay, dahil mas importante na reliable at professional ka.

Actually, enhancer lang ang make up, dagdag lang, pero kung confidently beautiful ka, kahit sino ang mag-make up sa’yo, okey  lang.

Usually, ang mga make up artist ng mga artista ang pinakamalapit nila na kaibigan at parang mga confessor, lawyer at doctor nila.

Parang kambal ang mga ‘yan, sobra ang closeness nila sa isa’t isa to the point na mas marami pang alam ang make up artist tungkol sa artista na kaibigan niya kesa sa ibang tao.

Mahalaga na trustworthy, mapagkakatiwalaan, hindi tsismosa, hindi mapanira at hindi intrigera ang make up artist.

Sa lahat ng mga nakilala ko na make up artist, naging kaibigan, naging close sa akin si Bambbi Fuentes na maituturing ko na gem of a person and holding the magic wand of beauty.

Did you notice na halos lahat ng Instagram posting ko, sa salon niya ginagawa? Ang salon ni Bambbi  ang second home ko, office, lahat lahat, kasi nga aside from very comfortable ako roon, I feel safe around Bambbi Fuentes, mararamdaman mo ang warmth, sincerity, and sweetness niya.

For more than 20 years, wala akong nakita na pangit sa ugali niya. No wonder for the longest time, she stayed on top.

For the longest time, loyal sa kanya ang clients niya, and A-list stars, nasa kanya pa rin. The magic wand of beauty na ginagamit ni Bambbi, hindi lang sa make up niya nanggaling, nasa puso niya.

Maganda ang products niya dahil maganda ang kanyang kalooban. Sabi nga, when your heart is beautiful, you make all around you beautiful. Beauty is Bambbi and Bambbi is beauty.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with