^

Pang Movies

TV show na lagapak ang rating gusto na agad-agad walisin, wala lang maipalit

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Talung-talo sa ratings ang isang television show kaya ipinapatsugi na ito ng big boss ng television network.

Napapanood pa rin ang show dahil may problema pa ang staff, wala pa silang puwedeng ipalit sa show na kulelat sa ratings kaya gusto nang wakasan ng big boss.

Hindi naman kasi expected ng staff na hindi magki-click sa masa ang show. Kampante sila na magtatagal hanggang first quarter ng 2018 ang programa pero nagkamali sila ng akala.

Lucy present sa dalawang gabi ni Regine

Dalawang beses na pinanood ni Lucy Torres ang concert ni Regine Velasquez sa Mall of Asia Arena.

Noong Sabado, si Richard Gomez ang kasama ni Lucy na nanood ng pinag-uusapan na concert ni Regine.

Sa second night ng show noong Linggo, ang kanyang anak na si Juliana ang date ni Lucy.

May mga nagsasabi na mas bongga ang pangalawang gabi ng R3.0 pero hindi naman isyu ito dahil mas importante na napaligaya ni Regine ang mga nanood ng concert niya.

Kainan ni AiAi ilang tumbling  lang sa ABS

Malapit sa ABS-CBN ang Ai Sarap Express, ang restaurant na bubuksan ni AiAi delas Alas at ng kanyang anak na si Sancho.

Nasa kanto ng Sgt. Esguerra St. at Mother Ignacia Avenue ang Ai Sarap Express pero under construction pa ang building kaya hindi pa bukas ang nasabing restaurant at ang ibang mga business establishment na katabi nito.

Si Sancho ang mamamahala sa Ai Sarap Express dahil certified chef naman siya. At least, hindi man siya maging busy sa showbiz, may ibang pagkakaabalahan si Sancho na parang sideline lang ang pag-aartista.

Kapamilya talent na si Sancho at mainstay siya ng FPJ’s Ang Probinsyano kaya isang tumbling lang ang distansya ng restaurant nila ni AiAi mula sa kanyang home network.

Paolo hahatulan sa birthday

Confirmed na mapapanood sa mga sinehan sa November 29 ang Barbie: The Wonder Beki mo­vie ni Paolo Ballesteros.

Baka makaramdam ng pressure si Paolo dahil sa November 29 din ang 35th birthday niya.

Swak na swak sa kaarawan ni Paolo ang playdate ng kanyang pelikula. Blockbuster ang Die Beautiful, ang filmfest movie ni Paolo noong December 2017  kaya hoping ang fans na pipilahan din sa takil­ya ang bagong comedy movie niya sa Octoarts Films at M-Zet Productions.

Si Papa Joey de Leon, ang original Barbi ang gaganap na tatay ni Paolo sa Barbie: The Wonder Beki. Si Papa Joey ang bida noon sa 1989 movie na Barbi: Maid in the Philippines.

Show ni Heart consistent ang rating

Congrats kay Heart Evangelista dahil consistent na mataas ang ratings ng My Korean Jagiya.

Sinusubaybayan ng televiewers ang My Korean Jagiya dahil feel good primetime teleserye ito. Hindi mabigat sa dibdib ang mga eksena at enjoy na enjoy sila sa mga kabaklaan ni Tita Josie, ang gay role ni Ricky Davao.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with