^

Pang Movies

Kwento ni Aling During tampok sa Daig…

Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa pagpapatuloy ng Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong Linggo (October 22), nanghihinayang pa rin si Alice (Jillian Ward) na hindi na sila makakapunta sa fairy land. Gusto rin niya kasing makakita ng ibang fairies at magical creatures. Kahit si Moira (Chlaui Malayao), gusto rin ‘yon. Dahil sa pagmumukmok ni Alice, may maalala tuloy na kwento si Lola Goreng (Gloria Romero). Ito ang kwento ni Aling During.

Sa isang bayan sa Mindanao, kilalang-kilala ang mag-asawang During at Julian dahil sa kabaitan nila. Marami silang tanim kaya naman pagtitinda ng mga prutas at gulay ang kanilang ikinabubuhay. Pero kung anuman ang matira sa paninda nila ay ipinamimigay nila sa mga kapitbahay nila, kaya naman lalo silang minamahal ng mga tao.

Kahit simple lang ang buhay, masaya si During sa piling ng asawang si Julian. Kaya naman ang laking dagok sa kanya ng bigla itong mamatay. Simula noon, nagbago ang ugali ni During.

Hindi na siya ang dating During na masayahin. Hindi na nga rin siya nagsusuklay at naliligo.

Kahit nga pusa na naligaw lang sa bakod niya ay susungitan niya. Pero magugulat na lang siya dahil alaga pala ito ng isang mangkukulam. At dahil nakita ng mangkukulam na hindi na marunong maawa at magmahal si During, dahil nakita niyang matigas na ang puso nito, isusumpa niya si During. Gagawin niyang isang puno si During!

The next day, magtataka ang mga kapitbahay sa malakas at kakaibang amoy. Susundan nila ito hang­gang sa makarating sila sa bahay ni During.

Dito nila madidiskubre na naging puno na si During. Pero kahit ganito, hindi pa rin nila pinabayaan si During. Tulong-tulong pa nga sila sa pagbuo ng bakod sa paligid nito.

Itutuloy ang kwento ni Aling During ngayong Linggo sa Daig Kayo Ng Lola Ko tampok sina Jean Garcia bilang During, Zoren Legaspi bilang Julian, Jan Marini bilang Liwayway at Marc Justine bilang Matias.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with