Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Naging depression nina Maine at Alden kinunsulta sa doktor

Eat Bulaga, true to their promise na ibibigay sa AlDub Nation ang isa pang magandang celebration ng Tamang Panahon in it’s second year, isa ngang maganda at napapanahong tema ang unang telemovie ng noontime show na pinagbidahan nina Alden Richards at Maine Mendoza, ang Love Is...

Ang isa pang ibinigay na bonus ng EB sa ADN, walang commercial break nang ipalabas ito at exactly 1:00 p.m. kahapon. Ganito rin kasi ang Tamang Panahon na sa apat na oras na presentation noon sa Philippine Arena, walang commercial break.

Umiikot sa kuwento ng depression ang Love Is…

Sa story, kumuha pa sila ng doctor na nag-explain kung paano magagamot ang depression.

Tumahimik ang twitter world sa mga comments maliban sa pagtu-tweet nila ng hashtag na #ALDUBxEBLoveIs na bago nagsimula ang telemovie ay umabot na sa 1.38 million ganung ang target nila ay 2 million lamang hanggang 12:00 midnight ng October 21.  Nag-number one ito nationwide at 2nd spot sa Worldwide trends na 1.55 million. Maliban sa ilang tweets na nagko-comment kung gaano kahusay ang perfor­mances nina Alden at Maine, may mga nag-tweet pa na umiyak din daw sila nang husto sa performances ng mag-asawang Noni at Shamaine Buencamino, na iyong mga lines daw na binitiwan nila para kay Viv (Maine) ay iyon din siguro ang gusto nilang sabihin sa namayapa nilang anak na dumanas din ng depression.

Muling nag-live ang EB pagkatapos ng showing ng telemovie at natanong sina Maine at Alden kung ano ang meaning sa kanila ng Love Is... Sagot ni Maine, love is caring, tulad daw ng line niya na ibibigay mo ang love mo sa isang taong alam mong mahal ka at ilalaan ang buhay sa iyo. Para kay Alden naman, love is walang iwanan.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

At hindi nga pumayag ang audience sa studio at ang Dabarkads na hindi masasaksihan ang kissing scene nina Maine at Alden sa telemovie at this time ay real talaga. Hindi naman tumanggi ang dalawa at nag-kiss sila. 

Thank you Eat Bulaga, muli na naman ninyong pinasaya ang AlDub Nation here and abroad.  May live streaming abroad, pero may mga lugar na hindi napanood dahil nawala raw ang live streaming nila kaya team replay na raw lamang.

Alden at Sarah nakatatlong concert

Last Friday evening ay nag-concert muli, their third and last concert this year, sina Alden Richards at Sarah Geronimo para sa Cebuana Lhuillier.  From the fans ni Alden na nagpunta pa ng Davao, napakaganda raw ng show nila, kasama ang The Maneuvrs na ginanap sa USEP Gym.

Bigay na bigay daw ang dalawa sa kanilang mga song and dance numbers. Next week ay muling magkakasama sina Sarah at Alden dahil ilo-launch naman nila ang TVC nila ng ini-endorse nilang isang brand ng cellphone.

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: