Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Likha ng pedicab driver The Hulk, napabilib sa laruang gawa sa lumang tsinelas

Mabuti pa ang Hollywood actor na si Mark Ruffalo na nagawang purihin ang kababa­yan nating si Elmer Padilla sa ginawa niyang Hulk figure mula sa lumang tsinelas. Ipinagmalaki ni Mark ang gawang ‘yon ni Padilla sa kanyang social media account.

Ayon sa interview ng Rappler kay Padilla, galing siya sa Catbalogan City, Samar na lumuwas patungong Cavite upang hanapin ang suwerte. Bukod sa paggawa ng action figures mula sa scrap, pumapasada rin siya ng pedicab.

Naglabasan sa internet ang gawa ni Elmer na kop­ya ang characters sa pelikulang Hellboy at Transformers. Lahat ng mga ito ay gawa sa lumang tsinelas. Isa na nga rito ang The Hulk na pinagbidahan ni Ruffalo noong 2012.

“Believe it or not, this #Hulk doll s made out of recycled tsinelas (that’s tagalog for  flip-flops). Elmer Padilla made this for me so I just wanted to give a nice shoutout. Not only this inventively creative, but it’s sustainable and pure awesome! Thank you Elmer!” caption ni Mark sa kanyang Instagram ng ginawa ni Padilla.

Umaasa naman si Elmer na pagdating ng araw ay makakapagtayo siya ng sariling negosyo upang makagawa pa ng maraming characters.

Pinsan ni Kris mas nakitaan ng potensiyal ng GMA!

Itinali ng limang taong kontrata ng GMA Network ang TV5 discovery na si Sophie Albert. Bihirang gawin ito sa isang contract artist ng Kapuso Network kaya naman ganoon na lang ang tuwa ni Sophie.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ayon sa ilang GMA bosses, kina­kitaan daw nila ng potensyal si Sophie kaya naman after ng five years contract niya, nasa istasyon ang option to renew.

Bilang simula, sa isang primetime series isasalang si Sophie. Buti pa nga siya, itinali ng Kapuso Network habang ang pinsan niyang si Kris Aquino ay hindi maka-penetrate sa GMA, huh! Buti na lang at Albert ang surname ni Sophie at hindi Aquino!

Young actress kasado ang pelikula, tuluyan nang umaayaw sa negang ka-loveteam

Kasado na ang pelikulang gagawin ng isang young actress na hindi ang ka-loveteam ang kanyang kapareha. May schedule na ito ng shooting at nagkaroon na ng story conference at look test ng dalawang bida.

Quiet muna ang production staff sa paglalabas ng anumang photos sa look test at storycon. Baka kasi maapektuhan ang huling pagsasama ng magka-love­team sa isang pelikula.

Aprubado naman ng ilang solid fans ng aktres ang pagpapalit niya ng ka-loveteam. Nagiging nega na kasi ang aktor na nakapareha niya sa ilang pelikula at TV series.

So kesa maapektuhan ang career ng young actress, hiwalay muna siya sa ka-loveteam para na rin hindi mag-alboroto ang taong malalapit sa kanya, huh!

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: