^

Pang Movies

Pero kasal ayaw pag-usapan, Anne idinepensa ang pagiging adik sa Korean!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Tinatawanan na lang ni Anne Curtis ‘yung mga bashers niya sa social media na hindi naiintindihan ang kanyang pagiging K-drama addict.

Naiintindihan naman daw niya na iba-iba naman talaga ang mga fans – mayroong Thai fanatic, Kpop, K-drama. Kanya-kanya lang daw naman talagang hinahangaan. Basta raw siya ay Kdrama lang.

“Kanya-kanya lang ‘yan, wala, you can’t do anything but understand,” sey niya in her latest interview.

At dapat pala ay sa The Shilla Seoul Hotel siya magbu-book sa kanyang bakasyon sa Seoul Korea na hindi niya sinabi kung kailan, pero dahil nga sa nasabing hotel din gaganapin ang kasal mga Korean stars na sina Song Joong Ki at Song Hye Kyo sa Oct. 31, nagdesisyon siyang i-cancel na lang ang booking.

Nang i-tweet nga niya ang tungkol dito, may mga nag-speculate na dadalo siya sa Song-Song couple wedding.

“Hindi nga ako invited! Paano ako pupunta? Sana, sana, I wish!” natatawang sabi ni Anne.

At wala rin daw siyang balak mag-gatecrash sa Song-Song wedding or mang-stalk dahil siyempre, respeto naman daw sa privacy ng dalawa.

Kahit siya nga raw, ayaw naman daw niyang gawin ito sa kanyang kasal.

As we all know ay malapit na ring ikasal si Anne sa kanyang fiancé na si Erwan Heussaff. They’re tying the knot this year pero sikreto ang exact date. Ang tsismis nga, baka sa November kaya pag nagkataon, magkasunod lang sila ng fave niyang Song-Song couple.

Ang tsika, sa Netherlands ang kasal nila pero ayaw itong i-confirm ni Anne at wala raw siya talagang pwedeng i-share.

Pero aminado naman siyang super-excited na siya sa nalalapit nilang kasal ni Erwan.

Jason ayaw maniwala sa forever nila ni Melai

Masaya na si Jason Francisco na nalampasan nila ang isang unos sa buhay may-asawa nila ni Melai Cantiveros. Matatandaang nagkaroon sila ng problema last year na muntik humantong sa hiwalayan.

Pero good thing, inayos nila ito pareho bago pa man tuluyang lumala at ngayon ay okay na okay daw ang pagsasama nila’t balik na sa dating saya ang kanilang pamilya.

Nilinaw ni Jason na hindi naman daw siya seloso, masyado lang siyang makaluma at marahil, ‘yung iba raw marahil ay hindi siya talaga kilala nang husto.

“Kasi ako, alam ko naman ang gina­gawa ko, eh. Alam ko ang pinasok ko, alam ko lahat ng ginagawa ko sa totoo lang. Nasa sa kanila ‘yun kung ano ang dating sa kanila. Alam ko ang responsibi­lidad ko,” pahayag ni Jason nang maka­tsikahan namin siya recently.

So, may forever sa Melason?

“Ako, ayoko kasing magsabi ng forever, eh. Kasi parang masyado nang OA. Syempre, ang marriage talaga is para kang gumagawa ng isang bahay, tapos darating na naman ang bagyo, siyempre, magugulo ‘yan. So, kailangan mong gawin ulit, tibayan.

“Lalo na sa kinatatayuan namin, parehas kaming nasa (showbiz). Ako hindi nila ako matitinag. Kung ano ‘yung pinaninindigan ko sa buhay. Pero never akong magiging katulad nila. Kung saan ako nakatayo, hindi mo ako mapapapunta sa kinalalag­yan mo. Bakit? Hindi ako ganyan pinalaki,” pahayag ng aktor

Basta ang goal daw niya ngayon ay mapalaki ang anak niya nang maayos at intact ang values.

Ang forever daw ay ang Melason fans na mula noon hanggang ngayon ay patuloy na sumuporta sa kanila ni Melai and for this, sobrang thankful siya.

“Oo kasi, kung iisipin mo, mag-e-eight million na ‘yung Facebook namin sa fans ba,” natatawa niyang sambit.

“Tapos ang anak ko nga ha, si Mela, half million na ang kanyang followers, ako magha-half million pa lang, mas marami pa ang anak ko sa akin,” pagmamalaki pa niya.

Sobra-sobra ang pasasalamat ni Jason sa Melason fans na talaga namang solid mula noon hanggang ngayon lalo na nga raw ang mga fans nila sa ibang bansa.

Sa paglipat ni Jason sa PPL Entertainment, Inc ni Perry Lansigan, alam niyang panibagong journey ang kanyang kakaharapin at sana raw ay patuloy pa rin siyang suportahan ng mga fans nila sa bagong chapter na ito ng kanyang buhay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with