Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Anak ni Ogie rarampa sa underwear show

Leila Alcasid

Malaki ang tsansa na rumampa sa underwear and denim show ng Bench sa November 18 si Leila Alcasid, ang anak nina Ogie Alcasid at Michelle Van Eimeren.

Bench celebrity endorser si Leila na nabigyan noon ng mga billboard sa EDSA kaya may karapatan siya na sumali sa ina­abangan na anniversary show ng Bench.

Iba’t-iba ang kategorya ng fashion show ng Bench. Definitely, hindi kasama si Leila sa mga artista na underwear lang ang suot sa pagrampa dahil endorser siya ng teenage clothes ng kompanya ni Ben Chan, hindi ng Bench Body.

Winwyn panget daw pag walang make up

Bago lumipad sa New York noong Huwebes, nagpunta muna si Winwyn Marquez sa opisina ni Department of Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano para sa kanyang courtesy call.

Kasama ni Winwyn sa DFA office ang kanyang nanay na si Alma Moreno, kapatid na si Yeoj at boyfriend na si Mark Herras.

Nag-wish ng good luck si Secretary Cayetano kay Winwyn na dumating na kahapon sa Santa Cruz, Bolivia pagkatapos ng almost 26-hours na biyahe mula sa Pilipinas.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

At dahil likas na friendly si Winwyn, naging kaibigan niya agad si Miss Nicaragua na isa sa mga makakalaban niya sa coronation night ng Reina Hispanoamericana sa November 4, 2017.

Hinihikayat ng Miss World Philippines organizer ang mga kababayan natin na iboto si Winwyn sa on line vo­ting ng Reina Hispanoamericana sa pama­magitan ng pagbisita sa Facebook page ng nasabing beauty pageant.

Masipag at maaasahan ang mga Pinoy sa mga text at online voting kaya sure ako na susuportahan nila ang laban ni Winwyn sa Reina Hispanioamericana 2017.

Wish ko talaga na manalo si Winwyn o maging runner up sa Reina Hispanoamericana para mapahiya ang mga nanglalait sa kanya.

Kadiri ang mga Pinoy na nagsasabi na maganda lang si Winwyn kapag may make up sa mukha dahil may kolorete man o wala, lutang na lutang ang Filipina beauty ni Winwyn.

Nakakalungkot na mga kasamahan sa entertainment industry ang ilan sa mga humahamak kay Winwyn na para bang outstanding din ang mga physical appearance nila.

Ewan ko ba, napakadali sa ibang mga tao ang mamintas ng kapwa pero hindi naman pleasing ang personality nila, lalo na ang kanilang mga ugali.

Kahit maganda o guwapo ang isang tao, wala silang karapatan na manglait, mang-api at maghusga dahil nandiyan lang sa tabi-tabi ang karma. Tandaan, what goes around comes around!

Rubby naka-gown habang pumipirma ng tseke

Ang sosyal talaga ng BFF ko, si Rubby Sy, ang big boss ng Flawless na super duper fashion plate.

Dumalo kami ni Mama Rubby sa Paris wedding nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr. noong September 2, 2017.

Ang gown na creation ng international fashion designer na si Rocky Gathercole ang isa sa mga dinala ni Mama Rubby pero hindi niya na naisuot dahil may kabigatan ang damit.

Noong isang araw, may-I-wear ni Mama Rubby sa opisina niya ang bonggang gown na gawa ni Rocky. Walang special occasion as in naisipan lang ni Mama Rubby na isuot ang gown habang pumipirma siya ng mga tseke at documents. Sosyal ‘di ba?

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: