^

Pang Movies

Mga pinagmamalaking shirt ng mga local stars, pantulog lang sa mga K drama!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Nakakatawa rin ‘yung mga local actress natin na ang hilig mag-promote ng mga branded shirt na nagsusumigaw ang tatak.

Eh samantalang sa mga Korean drama, pantulog lang nila ang nasabing t-shirt na bawal pa yatang i-display ang tatak. ‘Yung tipong talagang ang lalaki ng letra. Walang ganun sa mga palabas na Korean.

Yup, sa mga K drama, pantulog lang niya ‘yun sa mga eksena o di kaya ay pangbahay lang. Lalo na ‘yung mga big star sa Korea.

Eh sa local celebs, ibinabandera nila ang nasabing shirt na more than P20,000 ang halaga.

Bukod sa pino-promote nila ang non local brand, hindi pa sila mukhang mga real sosyal kahit na anong mamahalin ang mga suot at damit nila.

Tulad nga sa nauna ko nang nasulat, namamatay ang industriya ng local garments sa pagpasok ng mga imported brands sa bansa na mas tinatangkilik ng mas nakararami sa atin.

Mariel Rodriguez

Mariel insecure na insecure pa sa katabaan niya

Insecure na insecure pa si Mariel Rodriguez sa kanyang katawan matapos isilang ang panganay nila ni Robin Padilla.

Nagtatago siya kahit sa mga picture na inilalabas niya sa kanyang social media accounts.

Kapapanganak pa lang naman niya at walang masama kung tumaba siya. Natural sa nanganganak ang magdagdag ng timbang. Puwede naman siyang magpapayat ‘pag puwede na.

Malamang nai-insecure siya na hindi siya tulad ng kapalaran ng mga kaibigan niyang sina Toni Gonzaga and Bianca Gonzales na hindi mga tumaba nang manganak. Pagkaanak ay bumalik agad sa dating katawan ng dalawa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with