Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

SPS nanghihikayat na maging good Samaritan

MANILA, Philippines — Nakaasanayan na ng mga Pinoy ang pagtanaw ng utang na loob. At ngayong nalalapit na ang Christmas season, pangungunahan ng Sunday PinaSaya ang pagtulong sa kapwa nang walang hinihintay na kapalit.

Dubbed I-share ang puso ng Pasko, ang advocacy campaign na ito ay itatahi sa isang 9-week comedy sketch ng programa na magsisimula ngayong Linggo, October 21. Ito ay kuwento ng tatlong modern day Robin Hood na sina Melo, Gaston, at Bart na tinulungan ng isang mysterious na lalaki na nagngangalang Master Lodi.

Taos-pusong nagpapasalamat ang GMA First Vice President for Program Management na si Joey Abacan sa patuloy na suporta ng mga manonood sa nasabing programa. “In a way, this campaign is also our gesture of giving back. We are deeply thankful to all our viewers because they made Sunday Pinasaya the undisputed number one Sunday noontime show since it launched in 2015,” sambit niya.

Hinihikayat din ng Sunday noontime show ang viewers nito na sumali at i-share ang kanilang kuwento ng pagiging good Samaritan online. Maaari nilang i-send ang videos o pictures sa official Facebook page of Sunday PinaSaya.

Ang mga mapipiling viewer ay magiging bahagi ng Christmas special ng programa ngayong December, makakapanood ng Sunday PinaSaya episode sa studio at makikita ang kanilang paboritong Sunday PinaSaya hosts.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: