Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ellen walang senyales na buntis, John Lloyd enjoy sa walang kawawaang picture

Kanya-kanyang update sa kani-kanilang Instagram account sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz ng ginagawa nila sa abroad. Sa pamamagitan nga ng post nila ay nalalaman na rin siyempre natin kung nasaan sila ngayon.

Matapos mag-Paris last week, makikita sa latest post ni Ellen na nasa Zermatt, Switzerland sila ni Lloydie ngayon.

May post nga si Ellen ng lara­wan niya (na obviously ay Lloydie ang kumuha) habang nakatayo sa tabi ng napakagandang lake sa Switzerland at dito ay makikita namang walang kasenya-senyales na buntis siya.

Napansin nga rin ito ng netizens at komento nga ng isa, mukha namang hindi buntis si Ellen.

May mga post din si Ellen ng larawan nila ni Lloydie at ‘yung ibang mga larawan, talaga namang kinikilig ang followers nila sa pagka-sweet nila.

Habang si Lloydie naman, patuloy sa pagpu-post ng mga larawan ng kung anu-anong bagay na kadalasan ay walang caption kaya hindi malaman kung ano ang nais niyang ipahiwatig. In all fairness, minsan ay may mga post naman siya ng picture ng magagandang view na pinupuntahan nila pero walang nakalagay na location.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sana nga ay malaki ang maitulong kay Lloydie ng pagbabakasyon niya at change of environment para pagbalik niya ay better version of John Lloyd na ang makikita natin.

Matapos magtayo ng business, Danita binalikan ang career

Ipinaliwanag ni Danita Paner kung bakit niya tinanggihan ang offer ABS-CBN para maging part of the cast ng seryeng Wildflower. Gagampanan niya dapat ang karakter ng kontrabidang si Natalie na ibinigay na kay Roxanne Barcelo nang tanggihan niya.

Ayon kay Danita nang makausap namin sa kanyang contract signing sa Viva Artists Agency (VAA), natakot daw siya sa mga daring scene. Masyado raw mabigat ang kanyang role.

“At that time, feeling ko, hindi ko kayang gawin ‘yung role na sobrang sexy. Malala kasi ‘yung pag-explain sa akin ng character sketch, eh. So, sabi ko kung hindi ko mabibigay ang 100% ko, mapapahiya lang ako.

“So, habang hindi pa nag-i-start, aalis na lang ako,” paliwanag ni Danita.

Hindi naman daw totoo ‘yung lumabas na kaya niya tinanggihan ang role ay dahil ayaw niyang pagupitan ang kanyang mahabang buhok.

“Sabi ko, ang babaw naman. That’s very lame,” sambit pa niya.

Aminado siyang may regrets din naman na hindi niya ito tinanggap lalo pa nga’t successful ang serye and up to now ay umeere pa rin.

“Sayang. Pero this time, ready na ako. I’ve made up my mind. Hindi naman sobra, somewhere in between. Hindi na rin naman ako pwedeng magpa-tweetums. Since TV naman, hindi naman siguro ganu’n kalala,” she said.

Nahihiya nga rin daw siya sa unit ni Ruel S. Bayani sa pagtanggi niya pero nag-sorry na raw siya sa BUH (business unit head).

Medyo mahina raw talaga kasi ang loob niya sa mga ganun’g eksena pero napag-isip-isip na rin daw niyang it’s about time na mag-reinvent na rin siya ng sarili niya.

“After po nu’n, nag-stop ako, eh. Pinag-isipan ko po talaga. Hinahanap-hanap ng katawan ko ‘yung ta­ping,” sambit niya.

Limang buwan din daw siyang napahinga sa paggawa ng projects at during those times, nagtayo raw siya ng clothing line at pumasok food business.

“Pero hindi ako happy, eh. ‘Pag nag-i-inventory ako, sabi ko, ‘ano ‘yan? Ayoko ‘yan’,” kuwento niya.

Ngayon ay balik-VAA siya na dati niyang management at pag-uusapan pa raw nila ni Boss Vic del Rosario ang mga plano sa kanya.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: