Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Hunk actor na bongga ang career kabi-kabila ang nakukuhang pagbabanta

Nakakatanggap ng ilang pagbabanta ang hunk actor na ito mula sa mga taong hindi niya kilala.

Nag-iiwan daw ito ng mga messages sa kanyang social media accounts at sinabi na mag-ingat daw ito dahil hindi na magtatagal pa ang career nito.

May ilan pang tinawag siyang traydor, manunulot at mang-aagaw ng trabaho.

Hindi maintindihan ng hunk actor kung bakit may mga nanggaganyan sa kanya ngayon. Kaya inabisuhan ang hunk actor na i-private na ang kanyang mga social media account para napi-filter ang mga taong nagme-message sa kanya.

Sa pagkakaalam ng hunk actor, wala siyang ina­agrabiyadong tao o kasama niya sa trabaho. Kung ano raw ang natatanggap niyang blessings ngayon, iyon ay dahil sa sipag at tiyaga niya ng ilang taon sa showbiz.

Pero hindi nga naman mawawala ang mga naiinggit sa kanya. Kaya pakiramdam ni hunk actor na may isang taong nagmamanipula nito lahat. May mga kinausap na raw siyang mga tao na mag-iimbestiga sa situwasyon.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sinabihan na rin ang hunk actor na huwag masyadong magtiwala sa mga taong inaakala niyang kaibigan niya. Baka isa pa sa mga so-called friends niya ang nasa likod ng paninira sa kanya.

Masyado raw kasing mabait at mapagtiwala ang hunk actor kaya wala siyang naiisip na masama sa mga gustong maging kaibigan niya.

Pero ngayon, dahil sa may campaign para siraan siya, nagiging careful na ang hunk actor sa mga taong nagpapaka-close sa kanya.

‘Di kayang maggitara concert ni Ed Sheeran sa Asia, kanselado na!

Kanselado ang mga concert dates ng British singer na si Ed Sheeran dahil nagtamo ito ng fractured arm dahil sa isang cycling accident.

Sa kanyang Instagram, pinost ni Sheeran ang kanyang left arm na naka-cast at naka-sling naman ang right arm niya.

Na-fracture ang kanyang right wrist at ang kanyang left elbow. Kaya imposibleng makapag-live concert siya dahil hindi niya magagawang mapatugtog ang kanyang gitara.

“A visit to my doctors confirmed fractures in my right wrist and left elbow that will leave me unable to perform live concerts for the immediate future. Sadly, this means that the following shows will not be able to go ahead as planned: Taipei, Osaka, Seoul, Tokyo and Hong Kong. I’m waiting to see how the healing progresses before we have to decide on shows beyond that. Please stay tuned for more details. PS - Ed isn’t typing this as he has both arms casted/bandaged,” caption pa ni Sheeran.

Nalungkot ang 17.5 million followers ni Sheeran sa IG, kabilang na ang mga fans niya sa Pilipinas dahil kasama ito sa Asian tour na nakansela.

Kasama rin sa nakansela ay sa Japan, South Korea, Hong Kong, Singapore, Malaysia, Thailand and India. Pati na rin sa United Arab Emirates.

Kasalukuyang big hit naman ang album ni Sheeran na Divide.

Dionne pinaplantsa na ang pagpasok sa Kapuso

Nilinaw ni Dionne Monsanto ang pagkakakita sa kanya sa bakuran ng GMA 7.

Sey ng former Pinoy Big Brother housemate na nakipag-meeting pa lang siya sa ilang mga bossing ng Kapuso network. Wala pa raw siyang sisimulan na project, pero excited siya na mag-work sa ibang TV network.

Two years na raw siyang walang kontrata with Star Magic ng ABS-CBN kaya may freedom siyang mag-work kahit saan niya gusto.

Kahit na two years na akong wala sa Star Magic, nabibigyan pa rin nila ako ng project.

“Suppose to be isasama ako sa isang teleserye, pero nagkaproblema sa schedules ko at sa sked nila.

“Marami rin kasi akong pinagkakaabalahan ngayon. Hindi lang ang pag-aartista. May mga event kaming ino-organize and part ako sa creative team.

“So hindi na ako matutuloy doon sa teleserye, pero naging blessing naman itong pagdating ng opportunity to work with GMA 7.

“Sa Eat Bulaga pa lang naman ako lumabas kasi naglaro ako sa Jackpot En Poy,” ngiti pa ni Dionne.

Busy si Dionne sa rehearsals para sa live comedy show nila ni Tart Carlos and Dodj Mallari na Walang KokontraBIDA sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila on December 1.

Isa rin sa magiging host si Dionne ng Christmas By Manila Bay na project ng charity project ng Department of Tourism para sa mga bata ng Marawi, Leyte and Hospicio de San Jose. Magaganap ito on December 15 to 17 sa Quirino Grandstand in Manila.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: