^

Pang Movies

Libro ni Maine, suportado ng bestselling authors!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Yup, I Am That Girl ang title ng book ni Maine Mendoza na siya mismo ang sumulat.  Si Maine na rin ang nag-announce sa social media ng book launch & signing na magaganap sa Trinoma Activity Center sa Thursday, October 26, 2017, 5:00PM to 8:00PM, registration starts at 1:00PM.

Madaling kumalat sa social media ang said launch at nakakatuwa naman na madaling nag-post sa kanilang Instagram accounts ang mag-partner, ang dalawang pamosong bestselling authors na sina Michael Faudet na kilala sa book niyang Dirty Pretty Thing at Lang Leav ng Love & Misadventures.

Hindi naman nasunod ang request ni Maine na ‘wag munang maglabas ng spoiler dahil last Wednesday  may lumabas na agad.

Noong nagsisimula pa lamang ang AlDub (Alden Richards at Maine Mendoza), madalas silang magpadala ng notes and poems sa dalawa, dahil nakilala nila ang dalawa sa social media.

Post ni @MichaelFaudet: “How exciting! I know Maine has such a passion for writing and it’s wonderful she is sharing her words with us.”

Si @langleav: “Wow, I love the cover! Please save me a copy @nbsalert (National Bookstore)”

Mag-follow lamang kayo sa kanilang Facebook account para malaman kung paano kayo makapag-register sa October 26, at http://ewww.summitmedia.com.ph/books.

As of this writing, October 19, sold out daw agad ang first release ng NBS sa Makati at Mall of Asia.

Pero may taga-picture, Kris Ipinagdiinang mag-isang nag-Korea

Bilib ang mga netizens sa husay ng pagganap ni Kris Bernal sa afternoon prime drama series na Impostora, kaya naman hindi kataka-takang hinayaan siyang magbakasyon para maka-relax naman sa masyadong emotional at physically draining na role nina Nimfa at Rosette. Ilang araw lamang naman siya sa Korea pero sa susunod daw na payagan siya muling magbakas­yon, gusto niyang isama ang family niya.

At isa sa naisipan niya nang nasa Korea siya ay ang magtayo ng isang Korean buffet restaurant na tatawagin niyang Seoul Meat, in addition sa kanyang current bur­ger shop na Meat Kris. Naisip daw niya iyon para may fallback siya sakaling dumating na gusto na niyang mag-lay low sa showbiz.

Nilinaw ni Kris na mag-isa lamang siya talagang pumunta ng Korea, hindi totoo na kasama raw niya ang sinasabing non-showbiz boyfriend niya na sinasabing naging taga-picture niya sa bakasyon. 

Sino raw iyon, samantalang sa ginagawa niya ngayon sa Impostora ay wala na raw siyang time para makipag-date man lamang sa friends niya.

Triple Ex, Totga na ang bagong title

Iba na ang title ng dating Triple Ex to be starred by Rhian Ramos, Max Collins and Lovi Poe. Titled now as The One That Got Away, si Dennis Trillo ang gaganap na ex-boyfriends ng magkakaibigan.  At bukod kay Dennis, playing important roles ang mga Kapuso heartthrobs na sina Ivan Dorschner as Inigo Sandoval, Migo Adecer as Samuel Isaac or Sam at new Kapuso actor Jason Abalos as Gael Harrison Makalintal or Gael.  Ang new primetime series ay ididirek ni Maryo J. delos Reyes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with