^

Pang Movies

‘Mine’, Julia inaangkin na si Joshua!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Ang da­ming nakyutan sa caption ni Julia Barretto sa ipinost niyang picture ni Joshua Garcia sa Twitter.

“Miiiiineeee,” ang caption ni Julia sa picture na ang ibig sabihin ay kanya si Joshua.

At ang cute rin ng reaksyon ng netizens sa comments section.

May nagtanong din sa Twitter kung sila na ba talaga at mayroon din namang nagkomento na umamin na lang daw kasi sila.

Well, kung pagbabasehan ang tweet na ito ni Julia, ang laki ng posibilidad na may relasyon na nga sila ni Joshua.

At for sure, kinilig nang bonggang-bongga si Joshua sa tweet na ‘yan ni Julia.

Kim mukha nang may sustansiya ang korte ng katawan

Ang daming humahanga sa pagka-firm ng katawan ngayon ni Kim Chiu unlike before na payatin at parang kulang sa sustansiya. Mukhang ang laking bagay talaga ng nagawa sa kanya ng pagtakbo at pagba-bike niya or duathlon.

Kamakailan lang ay sumali na naman si Kim sa isang duathlon race na aniya ay last na niya for this year at nakakuha siya ng 9th place kaya naman tuwang-tuwa ang bida ng Ikaw Lang ang Iibigin.

Samantala, patuloy pa rin ang mataas na ratings ng ILAI sa kasalukuyang time slot nito every morning, weekdays.

Nito ngang Martes (Oct. 17), nakakuha ang serye ng national TV rating na 18.4 ayon sa datos ng Kantar Media.

Kinalaban si Kathryn Xander Ford inuulan ng death threat

Pagkatapos ng matigas na pagtanggi just few days ago, finally ay umamin na si Xander Ford na siya nga ang nasa viral video na nagsabing “sakang” si Kathryn Bernardo.

Sa panayam ng TV Patrol aired last Wednesday, inako niya ang kasalanan at humingi pa ng patawad.

“Inaamin ko po na nasabi ko kay Ate Kath ‘yun, pero biruan lang po talaga ‘yun, pramis po.

“Nagsisisi na po ako sa sinasabi ko po na kay ate Kath. Hindi naman po ako perpekto.

“Pasensya na po kung nasabi ko sa inyo ‘yun na ‘yun nga po, na sakang daw po. Marlou pa po ako no’n po, eh. Kaya nga po nandito na po ako bilang Xander Ford kasi po gusto ko na pong magbago,” pahayag ni Xander.

Sinabi rin ng kontrobersyal na baguhan na dumadaan siya ngayon sa dep­resyon dahil na rin sa mga dinaranas ngayong pangba-bash sa social media. Hindi lang daw masasakit na salita ang ibinabato sa kanya kungdi may kasama pang death threats.

“Mahirap lang po talagang tanggapin po na hinuhusgahan ako. Hindi po nila alam kung ano po ‘yung totoong istorya po,” sey pa niya.

Nagmamakaawa ring humingi rin si Xander ng isa pang pagkakataon mula sa mga taong nagagalit sa kanya partikular na ang mga taga-showbiz.

Pangako pa ng baguhan na nagparetoke ng mukha na, “magpapakabait na po ako.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with