^

Pang Movies

Heart pinakain ng sisiw si Xander!

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa Kapuso Exclusive video ng GMANetwork.com, nagpakitang gilas si Alexander Lee sa pagtukoy ng mga pangalan ng iba’t ibang Pinoy food. Napabilib niya si Heart Evangelista dahil alam na niya ang hitsura ng Sinigang, Adobo at Bagoong na pawang favorite ng Pinoy oppa.

Game na game rin si Alexander na tumikim ng mga pagkain, lalo na ang isaw at balut! Pero, ang makulit at pasaway na si Heart, hindi sinabi kay Alexander na ang sisiw na pala ng balut ang pinakakain niya sa ka-love team! Niloko pa niya ito at sinabing mushroom at sibuyas ang nakikita sa loob ng itlog. Nang masarapan si Alexander ay saka lang pinakita ni Heart kung ano ang kinain niya. Nakakatawa ang naging reaksyon ni Alexander dahil hindi siya makapaniwala sa kinain niya.

Ang cute nilang dalawa sa screen, dahil bagets na bagets at parang high school lang kung magbiruan sina Heart at Alexander.

Ash at Enrico susubukan kung may kilig sa horror

Unang nagpatikim ng kilig sina Ashley Ortega at Enrico Cuenca sa maikling patalastas sa telebisyon at nagtutuluy-tuloy ito ngayon sa Super Ma’am. Dahil mabenta ang tambalan nila, inaabangan ang magiging roles nila sa Spirit of the Glass 2.

Kung sa mga nagdaang projects nila ay puro pakilig at in love sa isa’t isa ang tema, ito rin kaya ang maipakita nila sa big screen? Showing na ang Spirit of the Glass 2: The Haunted sa November 1!

                                                                                                                              

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with