^

Pang Movies

Baron balik-rehab?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Pag-uusapan daw ng pamilya ni Baron Geisler kung siya ay muling ipapasailalim sa rehab pagkatapos nitong ikulong sa station 10 ng QCPD. Sinasa­bing nakainom na naman ang aktor at nanggulo sa isang resto-bar sa Morato, Quezon City.

Bagama’t nauna na raw na na-ban si Baron sa nasabing resto-bar, pinayagan na siyang makapasok dahil maayos naman siya nang dumating, pero pagkatapos makainom ay may sinisigawan na umano siyang ibang mga customer, at nang sawayin ng guwardiya ay itinulak niya iyon, na siyang naging dahilan para tumawag na ang manager ng resto-bar ng mga pulis.

Sa presinto, ang daming video na nagwawala si Baron at sinasabi pang wala sa ayos ang pagkaka-aresto sa kanya ng mga pulis. Pero nang iharap si Baron sa piskalya, sinabi ng piskal na may sapat na dahilan para siya kasuhan. Nagtakda rin ang piskalya ng piyansang apat na libong piso, pero hindi siya agad nakapag-piyansa dahil wala ngang pasok ang mga government offices dahil sa isinasagawang transport strike.

Ang sa amin naman ay ito. Hindi na bago iyang pagkakasangkot ni Baron sa gulo. Hindi na rin bago sa kanya ang mga kaso sa korte. Sa lahat ng pagkakataon, makikita mo namang nagsisisi si Baron at sinasabing hindi na mauulit iyon. Kamakailan lang, nagpapasalamat pa siya kay Liza Diño dahil inayos nito ang problema niya sa mga talent manager. Nga­yon ay may bago na naman siyang gulo.

Hindi naman sa nakikialam kami, pero hindi namin maintindihan kung ano pa ang sinasabing pag-uusapan ng kanyang pamilya. Maliwanag na dapat talaga siyang ipa-rehab. Ibig sabihin hindi siya lubusang na-rehab noong una siyang ipinasok doon. Baka kailangan mas matagal at mas matinding rehab ang gawin sa kanya. Sa ngayon ay ganyan, pagmumura o panununtok lang ang nangyayari, papaano kung dumating ang araw na mas matindi na ang kanyang gawin?

Isinulat na kuwento ni Alex sobrang drama

Napanood namin iyong trailer ng pelikulang 12 na pinagbibidahan nina Alessandra de Rossi at Ivan Padilla at doon lang namin na-realize, hindi pala dapat na basahin ang title na “Twelve” kung di “One, Two”, kasi iyon palang lovers sa kuwento ay naglagay ng tattoo sa kanilang mga kamay na “1” at “2”, bilang simbolo ng kanilang pag-iibigan.

Doon sa trailer na napanood namin sa internet, mukha ngang isang napaka-dramatikong love story ang 12. Mukhang masyadong sensitibo ang kuwentong ang sumulat ay ang mismong leading lady ng pelikula na si Alessandra de Rossi.

Mukhang garil pa sa pagsasalita ng tagalog si Ivan, pero makikita mo na may abilidad naman siya bilang isang actor.

Oo nga’t mukhang hindi malaki ang budget sa pelikula, pero ‘yan ang tipo na panonoorin ng marami.

Dating sexy star, pagbebenta ng daing at tinapa na ang pinagkakaabalahan

Isang dating female star ang nagtitinda raw ng daing at tinapa sa isang palengke sa kanilang probinsiya sa ngayon.

Marangal na hanapbuhay naman iyan. Pero bakit nga ba umabot siya sa ganyan samantalang noon naman ay marami siyang sexy movies na nagawa?

Kung sabagay, marami namang sexy stars na hindi maganda ang naging kapalaran.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with