^

Pang Movies

Marian payag na uling magsuot ng sexy!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Mas lalong lumalaki ang Super Ma’am drama fantasy series ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera. Ikinagulat nga ito ni Ma­rian nang sabihing magkakaroon siya ng maraming guests sa show, at isa na rito si Conan Stevens ng Game of Thrones. Matatandaan na nag-guest noon si Conan sa Encantadia at nakatrabaho nito that time ang asawa niyang si Dingdong Dantes. Pagkatapos ay pinapirma siya ng contract ng GMA Network.  Kaya every now and then, kung walang work si Conan sa Hollywood, bumabalik siya rito.

“At ang isa ko pang ibabalita, sa susunod na linggo, iba na ang costume ni Super Ma’am, medyo sexy na,” sabi ni Marian. “Tuwing may makakalaban ako at natalo ko, madadagdagan ang mga gadgets na ga­gamitin ko. Kaya excited na ako sa mga makakasama ko pa rito na makakalaban ko. Dream ko nga mag-cross over dito si Alyas Robin Hood.”

Pero mas masaya si Marian kapag nakakatanggap siya ng message sa mga nanay na sinasabing ang show niya ang pinapanood ng mga anak nila dahil marami raw silang natutunan. Sinabi rin sa kanya na mas tumataas ang rating nila.

 “Gusto ko rin pong magpasalamat sa lahat ng mga sumusubaybay sa amin sa drama anthology naming Tadhana, tuwing Saturday, after ng Ika-6 Na Utos. Ang atin pong drama anthology tungkol sa mga kababayan nating OFWs ay umabot na sa third season. Hindi po mangyayari ito kung hindi ninyo kami sinusuportahan. Promise po namin na mas magagandang story ng mga kababayan natin nagtatrabaho sa ibang bansa ang ibibigay namin sa inyo.”

Jerald tanggap ang pagkumpara kay Empoy

Huhusgahan na si Jerald Napoles, ang bida sa romantic-comedy movie nila ni Valeen Monte­negro, ang The Write Moment na dinirek ni Dominic Lim. Ang movie ay one of the official entries sa 2017 QCinema International Film Festival, na magsisimula ngayong October 19 to 28, 2017.

Biniro si Jerald kung ano ang nararamdaman niya ngayong leading man na ang status niya?

“Matagal po bago nag-sink in sa akin iyon nang i-offer sa akin, pero labis po ang pasa­salamat ko,” sabi ni Jerald. “Siguro po, chill na lamang muna ako, basta ginawa ko ang lahat ng kaya ko nang nagsu-shooting na kami. Sana po ay tanggapin nila ako.”

Hindi maiwasang tanungin si Jerald sakaling i-compare siya kay Empoy matapos kumita ang movie ng huli with Alessandra de Rossi.

Kung iku-compare daw siya kay Empoy, magiging compliment sa kanya iyon dahil kaibigan niya si Empoy at bilib siya sa pagpapatawa nito. 

So, iyong sinasabi niyang hindi naman siya guwapo at swerte na kung maging bida sila, ibig bang sabihin na sila na, na mga komedyante ang mga bagong bida ngayon?

“Siguro po. Kasi ang dami nang nangyayari sa paligid natin, parang kung may magpapatawa sa iyo, gugustuhin mo nang maging kaibigan siya dahil napatatawa ka niya, nakakalimutan mo ang mga kaguluhang nababasa natin sa diyaryo at napapanood sa TV.”

Narito ang schedule ng screening ng The Write Moment:

October 20 (4PM) – Trinoma; Oct. 21 (3:30PM) – Gateway; Oct. 22 (8:30PM) – Gateway; Oct 23 (4PM) – Robinson’s Galleria; Oct. 24 (1PM) – Robinson’s Galleria, Oct. 24 (9PM) – Trinoma – Gala night; Oct 25 (1PM) – Gateway; Oct. 25 (6:30 PM) – Robinson’s Galleria; Oct. 26 (6:30PM) – Robinson’s Galleria ; (Oct 27 (1:30PM) – UP Town Center; Oct 28 (1:00PM) – Gateway.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with