^

Pang Movies

Rhian hindi marunong magpakaplastik!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Happy ako dahil may gagawin na bagong teleserye si Rhian Ramos, kasama sina Lovi Poe, Max Collins at Dennis Trillo.

Isa si Rhian sa mga paborito ko na showbiz personality dahil sincere siya sa gitna ng santambak na fake sa showbiz.

Hugot ko lang ‘yan ‘no! Huwag ninyong ser­yosohin dahil may private joke kami ni Rhian. Baka mag-react na naman ang mga basher na hindi naman alam at walang idea sa private joke namin.

Nagtataka talaga ako dahil magaling na artista, professional at mabait na katrabaho si Rhian pero bihira ang mga project niya.

Sure ako na magiging maganda ang chemistry nila nina Lovi at Dennis kaya dapat nating abangan ang coming soon primetime teleserye nila sa Kapuso Network.

Bago ko makalimutan, si Rhian pala ang lead actress ng Fall Back, ang bagong pelikula ng Cineko Productions.

Co-stars ni Rhian sina Zanjoe Marudo at Da­niel Matsunaga.

Ang Star Cinema ang magre-release ng Fall Back sa mga sinehan kaya tiyak na mapapanood sa ABS-CBN ang trailer ng pelikula ni Rhian na contract star ng GMA 7. Ewan ko lang kung papayagan si Rhian ng Kapuso Network na mag-promote sa mga programa ng ABS-CBN.

Ang alam ko kasi, hindi nakapag-promote si AiAi delas Alas ng Bes and The Beshies sa show ng kanyang manager na si Boy Abunda dahil sa exclusive contract niya sa GMA 7.

May kaso sa pagyo-yosi sa eroplano, Baron sa Cebu na ikukulong!

Four thousand pesos lang ang piyansa sa unjust vexation case ni Baron Geisler pero kalaboso pa rin siya sa Kamuning Police Station sa Quezon City.

Barya lang kay Baron ang apat na libong piso pero hindi siya makapag-post ng piyansa para sa kanyang temporary freedom dahil sa warrant of arrest laban sa kanya.

May kaso pala si Baron sa Cebu City dahil sa bintang na paninigarilyo niya sa loob ng eroplano na mahigpit na ipinagbabawal sa batas.

Siguro naman, mara­ming beses nang nakasakay ng eroplano si Baron kaya imposible na hindi nito alam na matagal nang ipinagbabawal ang inflight smoking sa mga domestic at international flights.

May isang insidente na nangyari noong February 2013 sa flight na mula sa Canada at papunta sa Dominican Republic.

Apat na miyembro ng isang pamilya ang nahuli na naninigarilyo sa loob ng eroplano kaya nag-emergency landing ang aircraft sa airport ng Bermuda. Dalawa sa miyembro ng pamilya ang pinagmulta ng US$500 at sampung araw sila na ikinulong dahil sa paggamit nila ng sigarilyo sa loob ng eroplano.

May standing warrant of arrest si Baron sa Lapu Lapu City kaya hindi siya makalabas mula sa kulungan niya sa Kamuning Police Station. Hindi pa malinaw kung dadalhin si Baron sa Lapu Lapu City dahil dito nakasampa ang kaso.

‘Korean actor, ka-couple shirt ko…’

Hindi ko man nakita nang personal si Jo In-Sung sa Busan International Film Festival noong nakaraang linggo, maligaya na rin ako dahil nakabili ako ng t-shirt na kagaya ng kanyang suot sa isang litrato niya,

Twinning kami ni Papa Jo dahil pareho kami ng damit. At least, natupad ang pantasya ko na maging Korean couple kami ni Papa Jo, kahit photoshopped ang picture namin.

Kilala ang mga Korean couple sa pagsusuot ng mga damit na terno o magkapareho dahil isa ito sa simbolo ng pagmamahalan nila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with