^

Pang Movies

Training ni James sa Pedro Penduko pinaglalawayan agad!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Ang daming na-excite na fans ni James Reid nang mag-post ang Viva Artists Agency ng mga videos ng training nito para sa upcoming movie na Pedro Penduko.

Ipinost ng VAA sa Instagram ang first day of training ni James na ginanap last Tuesday.  Sa videos ay makikitang nagti-training siya ng Ultimate Martial Arts at ang dami nang kinilig sa kaguwapuhan niya.

Pero payo ng ilang fans, dapat daw ay mag-gain weight pa si James dahil masyado raw itong payat ngayon.

Panay ang tanungan din sa comments section kung sino-sino ang makakasama ni James sa nasabing pelikula.

Sa ngayon nga kasi ay si James pa lang ang confirmed cast at wala pang inaanunsyo ang Viva Films na co-produce ng movie kung sino-sino ang mga artistang makakasama niya.

Syempre, ang malaking tanong ng fans ay kung kasama rin ba ang girlfriend at ka-loveteam na si Nadine Lustre. Pero ‘yun nga, wala pa namang announcement maging kung sino ang leading lady ni James.

Matatandaang sinabi ni Nadine in an interview na kahit cameo role sa Pedro Penduko ay papayag siya of course para suportahan ang BF.

Ayon naman kay James sa isang interview before, ito ang first time niya gaganap na isang superhero at biggest role ever niya sa showbiz.

Sa 2018 pa nakatakdang ipalabas ang Pedro Penduko.

Ginawa nina Loisa at Jerome nominado sa Emmy kids

Muli na namang kinilala ang programang Wansapanataym sa international scene dahil nominated ang nasabing longest-running series ng ating bansa as best TV movie/mini-series category sa 2017 International Emmy Kids Awards.

The announcement of the nominees was made last Monday by the International Academy of Te­levision Arts and Sciences at ang Wansapanataym ang taning Philippine TV show na nakapasok for this year’s International Emmy Kids Awards.

Kinilala ang episode ng programa na Candy’s Crush, na pinagbidahan ng Kapamilya stars na sina Loisa Andalio at Jerome Ponce sa ilalim ng direksyon ni Andoy Ranay at ipinalabas noong June 2016.

Makakalaban nito ang lleen op de Wereld (Nobody’s Boy) ng Netherlands, Hank Zipzer’s Christmas Catastrophe mula United Kingdom, at Little Lunch ng Australia. Gaganapin naman ang awards show sa April 18, 2018.

Maliban sa Wansapanataym, umani rin ng no­minasyon at nagtapos bilang finalist ang flagship news program ng ABS-CBN na TV Patrol sa 2017 International Emmy Awards for news and current affairs noong Oktubre 5.

Nominado rin sa top male acting honor category ang Kapamilya actor na si Zanjoe Marudo sa 2017 International Emmy Awards para sa kanyang mahusay na pagganap sa MMK. Ginampanan niya ang buhay ng ama na mag-isang binuhay ang kanyang mga anak habang nakatira sa isang kuweba.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with