^

Pang Movies

Sikat na serye inaabuso ang mga artista!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines — Totoo kaya ang sitsit naming nasagap na halos mabuwal daw sa pagod at puyat ang ilang artista na gumaganap sa isang sikat na serye?

Naku, uso pa ba puyatan ngayon sa taping? Hindi nga ba may itinakdang oras na sa pagtratrabaho nila? Maaawa naman po kayo direk! Tao po ang mga crew at artista, hindi sila de-baterya! Ayaw ng DSWD ng ganyan.

Derek hindi na nararamdaman

Nasaan na nga ba si Derek Ramsay? Bakit nawawala na sa sirkulasyon ang aktor?

Nabalitang idinirek siya ni Brillante Mendoza sa isang mini series na umere sa TV5 pero napakatagal nang balita iyon. Nag-iisa na lang yata si Derek na naiwan sa TV5.

Sayang naman ang looks at talent ni Derek kung once in a while lang siya masisilayan sa TV screen. O kung tuwing Pasko lang siya mapapanood sa pelikula.

Dating aktor na si Rhene Imperial babalik sa pag-aaksiyon

Tiyak na matutuwa ang mga tagahanga ng dating action star si Rhene Imperial dahil balitang may gagawin siyang movie, ang Drug Lord na directed by William Mayo. May isa rin siyang project na under naman kay Direk Toto Natividad.

Perfect timing ang pagbabalik ni Rhene sa showbiz para makapanood naman ng ibang mukha sa mga pelikula at TV screen. Paulit-ulit na lang kasi ang mga mukhang napapanood na karamihan ay wa talent, at tanging ang pagiging pogi at tisoy lang ang panlaban.

Isang preacher na si Rhene at kabisado na niya ang nakasulat sa bible. Flight stewardess naman ang isang anak nila ni late Carmen Ronda na papasang artista.

                                         

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with