^

Pang Movies

Barbie ngayon lang nagka-pelikula na may promo!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Barbie ngayon lang nagka-pelikula na may promo!

Barbie Forteza

Hindi nga siguro iniisip ng ibang tao iyan, pero m­a­laking leap sa career ni Barbie Forteza ang upcoming ­movie nila ni Ken Chan na This Time I’ll Be Sweeter. Isang malaking break ang ibinigay sa kanya ng Regal Films. Oo nga’t may mga nagawa na siyang mga pelikula na nagpakita ng kanyang abilidad sa acting at nagpanalo pa sa kanya ng isang international award, pero ang mga iyon naman ay indie. Eh alam naman ninyo sa atin, hanggang ngayon basta indie, hindi nga halos maipalabas sa mga sinehan. Kaya nga kailangan pa ang puwersahan kung minsan para makalabas sila.

Pero diyan sa This Time I’ll Be Sweeter, bida si Barbie sa isang mainstream movie. Kaya may malaking promotions at advertising campaign, hindi gaya ng mga indie na nababasa mo lang sa social media. Bukod doon, binigyan pa siya ng Regal ng isang mahusay na director, si Joel Lamangan. Kaya nga marami ang nagsasabi na ito ang panahon para patunayan ni Barbie ang kanyang lakas sa box office. Tiyak din, ipapalabas ang pelikula sa maraming sinehan.

Napakahalaga niyan para sa career ni Barbie. Kasi ang pelikula naman ay hindi puro awards lang. Ang higit na mahalaga sa isang artista ay iyong mapatunayan niyang kikita ang isang mainstream movie. Ang daming mahuhusay na artista, maraming awards, pero dahil hindi naman kumikita ang mga pelikula, wala rin silang makuhang assignments. Iyong mga pelikula nila, ni hindi maipalabas sa sinehan. Ang ending, walang producer na kumukuha sa kanila. 

Kaya ang napakahalaga sa isang artista ay iyong mapatunayan niyang kikita ang kanyang pelikula. Iyan naman ang ginagawa ng Regal, patuloy silang nagpo-produce ng mga mainstream movies. Kailangang mapatunayan na kumikita ang pelikula para pumasok ang mga bagong mamumuhunan. Eh iyong nakikita kasi nila ay puro indie, pasalamat na nga lang sila at nariyan pa ang Regal. Kung hindi sino pa ang magbibigay ng pagkakataon sa mga baguhan na makilala naman bilang mga box office stars?

At totoo ba, na magpapa-block screening daw ng KenBie movie na iyan si Jak Roberto na siyang talagang syota ni Barbie?

James level up ang career kay Sarah

Gagawa naman ng pelikula ngayon sina James Reid at Sarah Geronimo. Ok na ideya iyan dahil alam naman natin, ang malakas na ka-loveteam ni Sarah ay si John Lloyd Cruz na may problema naman sa ngayon. Pero sinasabi nga nila na ang mas makikinabang sa tambalang iyan ay si James Reid. Tiyak kasi na matatangay ng popularidad ni Sarah si James.

Sikat naman si James, pero kailangan na niyang makakawala sa mga role na puro pa-cute lang. In the first place para ngang lumilipas na iyong panahon ng mga pa-cute, at kung medyo babaguhin ng kaunti ang takbo ng career niya, kailangan niya ang isang mas malakas na leading lady, si Sarah na nga iyon talaga

Magkaibigang artista tuloy ang tarayan sa movie playdate

Mahirap mo namang siguruhin na magiging malaking hit ang pelikula mo kung wala kang makakasabay na kalaban. Palagay namin iyong sinasabing samaan ng loob ng dalawang artista na dating magkaibigan dahil lamang magkakasabay ang playdate ng kanilang pelikula ay walang katuwiran. Ganyan talaga ang mga pelikula, kung minsan nagkakasabay ng playdate, at hindi mo puwedeng sabihin sa isa na umurong siya para walang makalaban ang pelikula mo. Ano ka hilo?

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with