^

Pang Movies

AiAi tatapusin lahat ng trabaho bago ikasal

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Inilabas na pala ni Comedy Queen AiAi delas Alas ang list ng sponsors at ang bubuo ng wedding entourage nila ng fiancé na si Gerald Siba­yan. Puro mga taga-showbiz at mga close friends ni AiAi ang nasa entourage. Pangungunahan nga ito ng mga kaibigang sina Sharon Cuneta na Matron of Honor niya. Naroon din ang mag-asawang Ogie at Regine Alcasid,  si Piolo Pascual, Rufa Mae Quinto, Jose Manalo, Pops Fernandez, best man ni Gerald ang anak niyang si Sancho at si Alden Richards. 

Ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna ang candle sponsors at sa veil ang mag-asawang Ding­dong Dantes at Marian Rivera na siyang nagbigay ng wedding gown na gagamitin ni AiAi.  Sa Europe ang honeymoon nina AiAi at Gerald na ang nagregalo ay isa sa kanilang ninong, si Mr. Tony Tuviera.

Pero sa kabila ng pagiging busy ni AiAi sa wedding preparations, sunud-sunod naman ang kanyang mga projects na tapusin niyang lahat bago ang wedding nila sa December 12.

Ngayong araw naman ang showing ng movie nilang The Bes and The Beshies kasama sina Zsa Zsa Padilla, Carmi Martin at Beauty Gonzales na dinirek ni Joel Lamangan for CineKo Productions, in cinemas nationwide. Nag-enjoy ang mga nanood ng movie sa premiere night. Wala raw sapawan ang bawat isa sa kanila.

Barbie at Ken lumihis sa dating mga ginagawa

Nang una palang i-offer kina Barbie Forteza at Ken Chan ang This Time I’ll Be Sweeter ng Regal Entertainment, ang sabi sa kanila ay romantic-co­medy movie ito na ididirek ng multi-awarded director na si Joel Lamangan.

Kilala kasing masayahin at palangiti sina Barbie at Ken kaya tamang-tama sila sa story ng movie. Nagsimula silang nagkasama noong 2012, sa youth-orien­ted show na Tween Hearts. So, for five years, hindi man sila laging nagkakasama sa isang show, na-maintain nila ang friendship nila ng mga kasama nila noon. Muling nagkasama ang dalawa bilang love team sa romantic-comedy series na Meant To Be ng GMA 7, nang sa ending ng romcom, silang dalawa ang magkatambal.

“Pero dalawang beses ko pong binasa ang script pero wala akong nakitang romantic-comedy sa story,” sabi ni Barbie.  “Pero na-in love po ako sa story at talagang pinaghandaan ko ito.  Bukod din naman sa comedy, mas nasanay po ako sa mga drama series na ginawa ko sa GMA 7.  Kahit sa mga indie films na nagawa ko, seryoso naman ang characters na ginampanan ko.”

“Totoo po iyon, tiyak kapag napanood ninyo ang movie, maraming makaka-relate na mga millennials sa story nina Erika (Barbie) at Tristan (Ken),” sabi ni Ken. “Ibang-iba po ito sa nga ginawa naming eksena sa Meant To Be.”

At labis ang pasasalamat nina Barbie at Ken kay Direk Joel na puring-puri silang dalawa at ang buong cast ng movie, sina Kim Rodriguez, Hiro Peralta, Akihiro Blanco, Jai Agpangan, Fiona Yang, at Kaki Ramirez. Sabi ni Direk Joel ito raw lamang ang pelikulang ginawa niya na wala siyang napagalitan, dahil pawang mahuhusay, ready sa mga eksena at maagang dumarating sa set, kaya naman mabilis silang makatapos.

Tinanong sina Barbie at Ken kung may kissing scene sila sa movie at payag ba si Barbie na si Ken ang first kiss niya?

“Wala po, hindi po kami binigyan ni Direk Joel ng kissing scene, pero marami po beses akong hinalikan ni Ken, pero hindi sa lips.”

Saan kaya hinalikan ni Ken si Barbie?

Ang This Time I’ll Be Sweeter, ay mapapanood na in cinemas nationwide simula sa November 8, 2017.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with