^

Pang Movies

Super idol si Sarah, Barbie ayaw ding pahalik!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Ayon kay Barbie Forteza, suportado naman ng boyfriend niyang si Jak Roberto ang loveteam nila ni Ken Chan sa pelikulang This Time I’ll Be Sweeter.

“Napaka-ano niya, sasabihin niya, ‘mamaya ka na tumawag, mamaya na tayo mag-usap, basahin mo ‘yung script mo, sauluhin mo, ang haba ng monologue mo’, mga ganu’n. Basta pagdating sa trabaho naman, work naman,” sey ni Barbie.

So, naiintindihan ni Jak kapag nagpapakilig sila ng fans ni Ken?

“Oo naman,” sambit ni Barbie.

Hirit naman ni Ken, “oo naman, sobrang open kami sa ganu’n. Walang problema.”

Salo naman ni Barbie, “minsan nga, eh, kinikilig na rin siya (Jak),” sabay-tawa.

Ewan kung nagbibiro, sabi pa ni Ken, balak pa raw magpa-block screening ni Jak ng TTIBS. Ganu’n ito ka-supportive.

May oras pa ba sila ni Jak para sa isa’t isa?

“Oo naman, meron naman siyempre. Kahit naman si Ken, lagi namang we make time for our personal lives,” sagot ni Barbie.

Pero kahit naman hindi sina Ken at Barbie in real life at may ibang mahal ang young actress, positibo naman sila na magwo-work-out ang loveteam nila.

“Kasi ako, pag nagpa-fan girl ako ng loveteam, kadalasan, hindi sila sa totoong buhay. Like si Sarah (Geronimo)-John Lloyd (Cruz), di ba? Feeling ko, mas nakakakilig kasi, may aabangan pa, may thrill pa. Kesa ‘yung pag kayo na, ‘di ba parang. . .”

When asked kung may kissing scene ba sila sa TTIBS, sey ni Ken, “wala mang kissing scene sa labi, pero bawing-bawi naman. May ginawa si Direk Joel (Lamangan) na mga eksena namin.”

Ayon naman kay Barbie, sa ngayon ay hindi pa raw talaga niya kaya ang mga ganung eksena.

“Kasi, personally, hindi naman sa ayoko. Ayoko lang siyang ibigay agad. Para sa akin kasi, it’s still too early and with the best material, ‘yung para lang hindi maging basta-basta ‘yung kissing scene. With the right age, right material, right script. ‘Yun.”

Ano naman ang right age sa kanya?

“Hindi ako sure, maybe three to five years (from now),” sey ni Barbie.

Bakit ang tagal yata?

“Bakit naman si Sarah G?” mabilis niyang sagot.

Aminado si Barbie na fan siya ng tambalang AshLloyd at lahat daw ng pelikula ng dalawa ay pinapanood niya.

Kim kay Ken naman imina-match

Kasama rin si Kim Rodriguez sa TTIBS at matatandaang nagkaroon sila ng issue before ni Barbie over Kiko Estrada. Ang tsika kasi ay nagkaroon ng overlapping sa dalawang young actresses sa relasyon ng young actor sa kanila.

Pero sabi ni Kim, hindi naman daw naging hadlang ang issue before sa kanila sa pagsasama nila ngayon sa movie.

Pero ang nakakatuwa, natsitsismis din si Kim kay Ken na ka-loveteam ni Barbie ngayon. So, kung tutuusin, may issue pa rin talaga sa kanila.

Ang paliwanag naman dito ni Ken, sabay daw kasi silang nag-audition ni Kim sa Twin Hearts noon.

“Pumila kami, sabay kaming pumila, di kami magkakilala noon, sabay kami sa pila. Nag-audition kaming dalawa. So, siya ‘yung kausap ko sa pila, ako ‘yung kausap niya.

“Du’n sa batch na ‘yun, kaming dalawa ‘yung nakuha. So, kaya kami ganu’n ka-close ni Kim dahil umpisa pa lang ay magkasama na kami, magkausap na kami sa pila pa lang sa audition. And na-misinterpret ng mga tao ‘yung closeness namin ni Kim,” pahayag ni Ken.

Sinang-ayunan naman ni Kim ang lahat ng sinabi ni Ken at dagdag pa niya, best friends lang daw talaga sila ng young actor.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with