^

Pang Movies

Anak ni AiAi take 5 sa mga eksena!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Anak ni AiAi take 5 sa mga eksena!

AiAi delas Alas

Sinabi ni Sancho delas Alas na nanggigil na ito sa mga batikos laban kay Gerald Sibayan kaya napilitan na siya na magsalita at ipagtanggol ang future stepfather niya.

Imbyerna si Sancho sa mga nakikialam at nag­huhusga sa relasyon ng kanyang nanay na si AiAi delas Alas at ni Gerald.

Wala raw karapatan ang mga tao na i-judge si Gerald dahil hindi naman nila nalalaman ang mga tunay na ganap sa tahanan ng mga Delas Alas.

Bihirang magsalita si Sancho at para mag-react ito, tiyak na nairita na siya sa kanyang mga nababasa at naririnig. Masuwerte si AiAi sa pagkakaroon ng anak na kagaya ni Sancho na handa na magtanggol sa kanila ni Gerald, anumang oras.
Nakausap si Sancho ng mga reporter sa red carpet premiere ng Bes and The Beshies na ginanap kagabi sa SM Megamall Cine­ma.

Manliligaw ni Beauty Gon­­zales ang role ni Sancho at very challenging ang karakter niya dahil halos wala siyang dialogue sa pelikula.

Si Joel Lamangan ang direktor ng Bes and The Beshies. Ipinagtapat ni Sancho na na-intimidate siya kay Joel kaya naranasan niya na ma-take 5 sa isang eksena. Tensed na tensed daw siya pero hindi naman daw nagalit si Joel.

Ang kanyang fiancé na si Conrad Onglao ang escort kagabi ni Zsa Zsa Padilla sa premiere night ng Bes and The Beshies.

Hindi nag-attempt ang mga reporter na interbyuhin si Conrad dahil iginalang nila ang privacy ng boyfriend ni Zsa Zsa.

Kasama nina Zsa Zsa at Conrad si Zia, ang anak ng Divine Diva kay Mang Dolphy.

Natuwa ang mga reporter dahil napansin nila na magkasundong-magkasundo si Zia at ang future stepdad niya.

Mapapangasawa ni AiAi may sariling datung

Ang fiancé na si Gerald Sibayan naman ang escort ni AiAi sa premiere night ng Bes and The Beshies.

Gaya ni Conrad, hindi nag-attempt ang mga reporter na interbyuhin si Gerald as in iginalang nila ang privacy ng dyowa ni AiAi.

Very supportive boyfriend si Gerald kay AiAi dahil sinasamahan niya ang Comedy Queen sa lahat ng mga commitment nito, basta walang conflict sa work niya.

Yes, may sariling work at source of income si Gerald kaya mali ang akala na umaasa siya kay AiAi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with