^

Pang Movies

Walang pagbabago… Baron nasa kulungan na naman!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Walang pagbabago� Baron nasa kulungan na naman!

Baron Geisler

‘Di na rin nakakabayad sa renta ng bahay

Walang pagbabago.

Nasa kulungan na naman si Baron Geisler.

Nagwala na naman umano ang actor na hindi pa natatagalan nang tanggalin ang ipinataw sa kanyang ban ng samahan ng mga talent manager na PAMI matapos niyang duraan habang nagsu-shooting ang kapwa niya actor na si Ping Medina.

Nagwala umano ito sa isang restobar sa Tomas Morato, Quezon City nung isang gabi. Pinagmumura nito ang guwardiyang nakabantay sa kanya nang malasing ayon sa mga report.

Kakasuhan si Baron ng unjust vexation at alarm and scandal ayon sa mga balita.

Pero sinabi ng actor na hindi siya ang nagwala at mapapatunayan umano ito sa CCTV camera. Pero hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay wala pang lumilitaw na footage ang CCTV camera ng nasa­bing restobar.

Maraming beses nang nangako si Baron na magbabago na siya pero taliwas ito sa kanyang ipinakikita.

Solong namumuhay si Baron sa nirerentahang bahay sa Pampanga matapos mamayapa ang kanyang ina. Pero balitang hindi na rin ito nakakabayad ng renta. Matagal-tagal na ring bakante ang actor sa trabaho dahil nga sa mga kinasasangkutang gulo.

Matteo Guidicelli

Matteo pumiyok sa paglalayas ni Sarah! ‘Hindi totoo ‘yun’

Habang nanahimik si Sarah Geronimo sa balitang naglayas siya ng bahay nila, nagsalita naman ang boyfriend niyang si Matteo Guidicelli na walang katotohanan ‘yun.

Ayon sa actor ng pelikulang The Ghost Bride, hindi ‘yun totoo. “People will always talk, pero wala,” pahayag nito kahapon.

Hindi ito ang unang pagkakataon na natsismis na naglayas si Sarah ng bahay sa paghihigpit ng ama at ina pero ang ending ay parati namang fake news ang lahat.

Kamakailan lang ay nakitang kasama ng pamilya ni Matteo si Sarah pero nagpahayag ang actor ng “I don’t want to say too much but hopefully everything is okay,” nang tanungin siya tungkol sa relasyon nila ni Sarah.

Anyway, showing na sa November 1 ang The Ghost Bride na pinagbibidahan ni Kim Chiu at idinirek ni Chito Roño for Star Cinema.

Kim Chiu

Kim payag pagkakitaan ang namatay na!

Speaking of Kim Chiu, payag siyang pagkakitaan ang patay kung kinakaila­ngan.

Pahayag ng aktres, kung wala siya sa showbiz at nangangailangan siya, papasukin niya ang ginawa ng isa nilang kamag-anak noon na pumayag pakasal sa dead para lang buhayin ang pamilya na baon sa utang.

Ganito ang tema ng The Ghost Bride, ang latest horror film ni Kim matapos ang limang taon. Ang The Healing with Rep. Vilma Santos ang last movie niya na kinatakutan ng manonood.

Kakaunti ang nakakaalam ng ganitong sistema sa mga Chinese dahil lihim na lihim umano ito, pero sa pelikulang ito ay huhubaran nila ang katotohanan sa ganitong tradisyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with