^

Pang Movies

Coco kuripot pa rin

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Katuwa si Coco Martin, ang super hero at anino ng yumaong Hari ng Aksyon na si Fernando Poe Jr.

E, kasi hanggang ngayon pala ay ayaw niyang maniwala na sikat na sikat na siyang aktor maging sa ibang bansa.

Ilang foreign countries na ba ang napuntahan niya na pinagkaguluhan siya? Hanggang ngayon, low profile pa rin si Coco. Aba, don’t tell us na gusto mong balikan ang kahirapan noong nagsisimula ka pa lang sa larangan ng showbiz?! E, may nagsabi sa amin na itong si Coco raw ay talagang mababa ang loob, hindi mayabang, hindi pasikat, at may pagkakuripot. Siguro kasi laki siya sa hirap kaya alam niya ang kanyang ginagawa.

At super proud si Coco dahil sa taas ng ratings ng FPJ’s Ang Probinsyano. Naniniwala pala ang aktor, na kahit wala na ang isang tao, gagabayan ka nito sa anumang bagay na dinasal mo. At malaking tulong si Ms. Susan Roces sa nasabing series, plus ang isa pang close sa yumaong FPJ na kasama nila sa serye, si Lito Lapid.

Broadway Boys nakipag-jamming sa Asin

Malayo na ang narating ng Broadway Boys pagkatapos ng last Saturday concert nila sa noontime show na Eat Bulaga. Naka-jamming lang naman nila ang star singer ng bandang Asin na si Ms. Lolita Carbon, na ang mga kantang pinasikat ay purong Pinoy sa tunog at lirika.

E, si Ms. Lolita, masarap sa tainga ang boses dahil mataas ang timbre, medyo malat (husky voice) at astig tumugtog ng gitara. Bata pa si Lolita nang magsimula siyang kumanta, at isa sa mga unang nakapansin sa galing niya ay si Sen. Tito Sotto.

Ang gagaling talaga ng mga batang member ng Broadway Boys na sina Joshua Torino, Joshua Lumbao, Benedict Aboyme, at Francis Aglabtin. Kahit si Ms. Lolita ay saludo at super bilib sa young boys sa galing nilang kumanta. Maganda raw ang future nila sa larangan ng pagkanta. Payo niya, ‘wag abusuhin ang sarili, manatiling low profile at disiplina sa sarili.

For the young boys, tuluy-tuloy lang, ‘wag makalimot na magdasal at magpasalamat sa Diyos at kay Sta. Cecilia, Patron ng Musika.

Rest In Peace, Apo…

Tuloy ang buhay! Parte ng buhay ang depression. Dumadating ito nang hindi mo kagustuhan, hindi pwedeng gawin o sabihing gawa-gawa lang at lalong ‘di pwedeng madyikin!

For me, tuloy lang ang buhay with the help of our Almighty God. Mahirap, masakit, at malungkot ang pagpanaw ng isang very close sa iyo. Yumao ang grandson ko, si Allan Paulo Celi, 17 years old, at nakahimlay ang kanyang labi sa kanilang tahanan sa Bagong Silang Novaliches, Quezon City.

Nadulas si Allan pababa sa hagdanan kaya siya nahulog at nabagok ang ulo. Na-comatose siya at hindi na nagising pa. Ganoon kadali ang kanyang pagkawala!

Eternal rest grant unto Allan Paulo, may you rest in peace apo ko, now and forever. Amen!

(Nakikiramay po kami Tita Letty lalo na sa mga magulang ni Allan Paulo. - SVA)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with