^

Pang Movies

Hunk actor na lumaklak ng steroid, nagbabalak na magpa-lipo!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kapansin-pansin ang pagiging malusog ngayon ng dating hunk actor. Dati ay kinaiinggitan ng maraming lalake ang built ng hunk actor kahit na hindi ito katangkaran. Tama lang sa kanya ang laki ng mga muscle niya para hindi siya magmukhang pandak.

Ngayon daw ay kahit na anong workout ang gawin ng hunk actor ay hindi na bumabalik ang dating magandang katawan nito. Lagi naman daw naka-post sa social media ang kanyang pagwu-workout sa gym. Pero kahit nagpapapawis daw ito, hindi pa rin nawawala ang pagi­ging malusog ng katawan niya.

Ayon sa isang source namin, epekto daw iyon ng steroid na sinaksak sa katawan ng hunk actor noong maoperahan ito ilang taon nang nakakaraan.

Hindi raw kaya ng hunk actor na pain killers lang ang iniinom dahil nasa maselang parte ng kanyang katawan ang operasyon. Kailangan daw saksakan siya ng steroids para mawala ang nararamdaman niyang sakit.

Noong kaya ni hunk actor ang kanyang katawan, sumubok na itong mag-workout para pumayat. Pero hirap na raw itong ibalik ang dating lean figure niya dahil sa steroids na nasa katawan niya.

“Ang effect ng steroids sa kanya ay napapalakas ang kain niya. Kahit na busog na raw siya, parating gutom ang feeling niya.

“Tapos bumagal ang metabolism niya. Kaya mabilis siyang mag-gain ng weight imbes na mawala ito sa exercise.

“Bumilog din ang mukha niya kaya hindi puwedeng walang balbas o bigote si hunk actor, para matakpan ang matataba niyang pisngi,” sey ng aming source.

Pinag-iisipan na raw ng hunk actor na magpa-liposuction para bumalik ulit ang dating lean figure niya. Pero hindi siya makapag-consult sa isang doctor dahil sunud-sunod ang trabaho niya.

Martin umayaw nasa pagpapakita ng bukol

Maraming beki ang madi-disappoint dahil hindi na kasama sa rarampa sa 30th anniversary ng Bench ang Kapuso actor na si Martin del Rosario.

Isa si Martin sa kinababaliwan ng mga beki dahil sa pagiging daring niya sa pagrampa habang suot ang sexy underwear ng naturang fashion brand. Pero hindi na raw mapapanood si Martin sa naturang show dahil hindi na siya endorser ng naturang underwear brand.

Para sa aktor, tama na raw ‘yung pinakita niyang pagiging daring noon sa mga nagdaang shows ng Bench Body. Iba naman daw ang pagpiyestahan ng audience.

Pero sa October 29 ay isa si Martin sa bida ng bagong monthly weekly drama ng GMA 7 na Stories For The Soul kung saan ang episode ay The Prodigal Son. Makakasama niya sa naturang episode ay sina Jeric Gonzales at Juan Rodrigo.

Supermodel na si Cara Delevingne inayang makipag-threesome ng Hollywood mogul

Pinaka-latest na nagkuwento ng kanyang horrible experience with former studio executive Harvey Weinstein ay ang supermodel na si Cara Delevingne.

Ayon sa supermodel-actress, sumang-ayon siya sa mga babaeng nagkukuwento ng inappropriate and disgusting behavior ni Weinstein dahil na-experience rin daw niya ito noong nagsisimula pa lang siya. Sa kanyang Instagram nag-post siya ng photo message saying “Don’t be ashamed of your story it will inspire others.” At may mahabang caption pa ito na istorya ng tangkang panghahalay sa kanya ni Weinstein.

Sa naturang kuwento ni Cara, niyaya raw siya ni Weinstein na makipag-threesome sa isang babae dahil alam niyang bisexual ito.

“A year or two later, I went to a meeting with him in the lobby of a hotel with a director about an upcoming film. The director left the meeting and Harvey asked me to stay and chat with him. As soon as we were alone he began to brag about all the actresses he had slept with and how he had made their careers and spoke about other inappropriate things of a sexual nature.

“He then invited me to his room. I quickly declined and asked his assistant if my car was outside. She said it wasn’t and wouldn’t be for a bit and I should go to his room.

“At that moment I felt very powerless and scared but didn’t want to act that way hoping that I was wrong about the situation. When I arrived I was relieved to find another woman in his room and thought immediately I was safe. He asked us to kiss and she began some sort of advances upon his direction.” bahagi ng pahayag ni Cara.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with