^

Pang Movies

Sakang ni Kathryn pinagdaanan na ng ibang mga sikat

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Kesa manlait, Xander Ford pinaghihilod ng tuhod   na kulay grasa

Eh ano ngayon kung sakang man si Kathryn? At least hindi gaya niya na ipinaglihi sa sama ng loob at leche flan, kaya nagka-leche-leche ang mukha niya. Ipina-overhaul na niya ang mukha niya, mukha pa rin siyang nilupak,” sabi ng isang galit na galit na fan na nagpadala sa amin ng message. Obvious naman na wala man siyang nabanggit na pangalan, ang pinatutungkulan niya ay ang baguhan na si Xander Ford na lately ay napapansin nga dahil sa ginawang pagpapa-overhaul ng mukha. Iyon nga lang, nakalimutan yata nito ang kanyang tuhod kaya parang nanlilimahid pa rin at kailangan pagtuunan ng pansin.

Kumalat ang video ng baguhang retokado sa social media kung saan sinasabi nitong sakang si Kathryn. Nang malaunan, nag-apologize naman ang starlet, at gusto pa raw magpa-interview ngayon tung­kol doon. Obviously, gusto niyang magkaroon ng additional media mileage dahil sa controversy na kagagawan rin naman niya. Ang dapat nga sana, huwag na niyang gamitin ang media. Kausapin niya nang personal si Kathryn, sukdulang maglumuhod siya sa harap ng aktres at aminin ang kanyang pagkakamali. Iyong magpapa-interview pa siya at sasamantalahin ang media mileage, nasaan ang since­rity?

Ito namang fans ni Kathryn, huwag na nin­yong pansinin iyan. Hindi lang naman si Kath­ryn ang unang nasabihan ng ganyan. Hindi ba noong araw si Susan Roces kung sabihin ng mga ayaw sa kanya ay malaki ang binti. Hindi ba si Nora Aunor ay nilait din dahil maitim siya at kinakantahan pa ng “si Norang maitim, tumakbo sa dilim” na ang tono ay iyong sa kantang I’d Like to Teach the World to Sing. Si Sharon naman ay sinasabihan ng “saksakan ng taba”.

Eh ganoon talaga eh, sino bang tao ang walang kapintasan? Kung may magsabi mang sakang si Kathryn, eh ‘di mabuti. Isipin ninyo kahit na sakang siya hinangaan siya ng napakaraming fans. Sabihin mang sakang siya, may mukha naman siyang maayos, at marunong siyang umarte. At saka eh ano kung sakang, at least hindi siya kagaya ng iba na masasabi mong malandi at wala sa ayos.

Iyong mga artista, ano mang ganda o guwapo nila, pipintasan din ng mga ayaw sa kanila. Bakit naman ninyo kailangang pagpapatulan ang mga iyan?

Ganyan din naman ang masasabi namin doon sa mga nagpapa-retoke. Artista sila eh. Kailangan maging maganda o guwapo sila. Bihira ang pangit na sumisikat.

Kung sasabihin ninyo na masama ang magpaayos ng mukha, o magpa-overhaul ng katawan, ano pa ang kikitain ng mga doctor na kagaya nina Belo at Calayan? Marami ang mga doctor na ganyan ha, mayroon pa silang asosasyon. Iyon talagang doctor ok ha, huwag kayong pupunta doon sa fake doctors, marami na ang namamatay sa ganoon. May kilala nga kami na dating taga-showbiz na fake doctor eh. Nakulong siya noong araw pero sige pa rin daw hanggang ngayon. Iyang mga nagpaparetoke ng mukha, o nagpapa-overhaul ng katawan, huwag na ninyong pansinin. Nasa kanila iyon. Katuwiran nga nila pera nila ang ginagasta nila. Katawan din naman nila iyon. Kung magmukha mang naging nakabungot ang mga labi nila eh ano ba ang pakialam ninyo?

Kahit naman sabihin ninyong puro retoke na ang mukha niyan, may hahanga at hahanga pa rin diyan. Sasasabihin naman ng iba “ang ganda ng pagkaka-retoke”. Ngayon kung pagdating ng araw ay lumawlaw ang mukha nila, eh di wow.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with