^

Pang Movies

Nadine nilalapitan ng mga dumaranas ng depression at gustong wakasan ang buhay!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Nadine nilalapitan ng mga dumaranas ng depression at gustong wakasan ang buhay!

Nadine Lustre

Balik-It’s Showtime na si Nadine Lustre kahapon.

Last week lang dumaan sa matinding pag­subok ang pamilya ng actress nang mag-­suicide ang kanyang kapatid na lalaki na si Isaiah Lustre.

Pero nagpakita ng ibang katatagan ang young actress sa mga pinagdaanan. Hindi nagpaapekto sa bashers na ewan kung saan nanggagaling ang tapang sa mga sinasabi na parang walang damdamin sa nararanasan ng ibang tao.

Ginamit din ni Nadine ang nangyari sa kapatid para sa World Mental Health Day.

Ngayon ay maraming nangungumpisal kay Nadine na fans na gusto na rin nilang wakasan ang kanilang buhay.

May ilang sinasagot si Nadine at sinasabing ‘carry on and continue.’

Anyway, kasalukuyang nagdiriwang ng 8th anniversary ang It’s Showtime, ang kinabibilangang show ni Nadine.

John Lloyd Cruz at Ellen Adarna

John Lloyd at Ellen iba ang lambingan sa Paris

Ibang level daw ang ipinakikitang lambi­ngan ngayon nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na nakabakasyon sa Europe.

Sa Paris ay nakita silang nagtutukaan ng ilang Pinoy sa Paris. Pero mailap daw ang dalawa at umiiwas sa mga Pinoy doon.

Pinaghihinalaang preg­­gy si Ellen, hinala lang, courtesy of John Lloyd kahit na nga wala silang pag-aming sinasabi tungkol sa kanilang relasyon.

Naka-leave sa ABS-CBN si John Lloyd.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with