^

Pang Movies

Alden at Maine nanggulat sa bagong pelikula!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Muling nanggulat ang Eat Bulaga sa fans ng phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza, ang AlDub Nation nang bigla silang nag-announce last Saturday, na may telemovie ang dalawa na ipalalabas sa show on Saturday, October 21, titled Love Is... 

Wala kasing alam ang mga tao na nagti-taping sina Alden at Maine under Adolf Alix, Jr.  Pero last week, nag-taping sila ng segment ng Juan for All All For Juan dahil may shooting daw sila kinabukasan. Hindi alam kung para saan pero inabot daw hanggang madaling-araw of the next day ang shooting.

Malamang na isa itong pasasalamat muli ng EB sa AlDub Nation na matagal nang naghihintay ng bagong project nina Alden at Maine, tulad ng Eat Bulaga Special: Tamang Panahon noong October 24, 2015 na ginanap sa napakalaking Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan na napuno ng mahigit 55,000 people, nagtala ng pinakamataas na Twitter votes of more than 41 million sa loob lamang ng isang araw, dahilan para makapasok ito sa Guinness Book of World Records.

Then last year, October 22, 2016, muling nagpasabog ang EB ng isang parang true-to-life wedding, live na napanood ang kasal nina Alden at Maine, mula sa preparation ng kasal hanggang sa wedding ceremony na ginanap sa Christ The King Church sa E. Rodriguez Avenue in Quezon City.

Matagal nang naghihintay ng anumang project ang AlDub Nation since hindi pa nasisimulan ang bagong movie na pagtatambalan ng dalawa na muling ididirek ni Mike Tuviera, pasasalamat na lamang nila ang mga pakilig nina Alden at Maine tuwing magsusugod bahay sila sa barangay na pinupuntahan kasama sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros. Kaya ngayong mayroon palang telemovie sina Alden  at Maine, ini-expect nilang mas mature na raw ang mga eksenang mapapanood sa dalawa. 

Sa Instagram post ni Rams David ng APT Entertainment, sabi niya, “it is a unique love story” pero wala nang ibang details. Kahit si Direk Adolf na tinanong namin, mum din kung ano ang story ng telemovie. 

Jinri wagi ng silver medal sa Jiu-jitsu sa London!

Ini-enjoy nina Heart Evangelista at Alexander Lee ang regional weekend mall shows nila para sa kanilang first Filipino-Korean romantic comedy series na My Korean Jagiya. Last Saturday, October 14, sa kabila ng malakas na ulan, itinuloy pa rin nila ang mall show nila sa Robinson’s Place sa Calasiao, Pangasinan.   

Ayon kay Heart, rain or shine, ayaw nilang biguin ang fans na naghihintay sa kanila. At hindi rin naman sila binigo ng fans dahil estimated na seven thousand ang mga taong dumalo sa kanilang show, na nag-enjoy sa mga games at sa special numbers nina Heart at Alexander na kilala namang isang K-pop singer.

Marami ring fans na nagtanong sa kanila kung ano na raw ba ang mangyayari sa love story nina Gia (Heart) at Jung Ho (Alexander), tuluyan na ba silang magkakahiwalay dahil bumalik si Ryan (Edgar Allan Guzman) kay Gia at si Cindy (Valeen Montenegro) kay Jun Ho? Sagot nina Heart at Alexander, marami pa silang aabangan sa lalong gumagandang love story nila.

Meanwhile, kung hindi muna napapanood sa My Korean Jagiya si Jinri Park, a Jiu-jitsu medalist, dahil umalis muna siya at nakipag-compete sa International Brazilian Jiu-Jitsu Federation London Fall International Open 2017, sa adult blue belt featherweight division last Saturday, October 14. 

Nanalo ng Silver Medal si Jinri at babalik agad dito para ituloy ang role niya as Hannah Lee sa serye.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with