^

Pang Movies

John Lloyd at Ellen hindi na masyadong pinag-iinteresan!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
John Lloyd at Ellen hindi na masyadong pinag-iinteresan!

 Ellen Adarna at John Lloyd Cruz

Kung pagbabasehan ang mga latest Instagram posts ni John Lloyd Cruz, parang nag-e-enjoy naman siya sa kung saan man siya naroroon ngayon with Ellen Adarna apparently.

Last Saturday ay nag-post siya ng larawan ni Ellen at sa caption niya ay nakasaad ang “muse”.

Nag-post din siya ng larawan ng façade ng tila isang hotel o apartment at nakalagay naman sa caption ang “walking is luxury wag lng umulan”.

Nag-post din siya ng larawan ng mga kamatis sa supermarket at may caption naman na “today’s supermarket moment”.

Nag-post din siya ng video ng isang ibong naglalakad na tila sinusundan niya pero mailap ito kaya nilagyan niya ng caption na “supladita/o”.

Ang mga simpleng bagay na ito ay mukhang nagpapasaya kay Lloydie ngayon since hindi naman niya ito nagagawa sa ‘Pinas because of his showbiz life. Mapapansin sa mga picture na ina-upload ng aktor na hindi na ito masyadong dinadagsa ng fans para mag-comment.

Well, kung masaya si Lloydie, sana ay maging masaya na lang tayo for him at tumigil na sana sa pangba-bash ang haters niya dahil hindi naman kayang ibigay ng mga taong ito ang kaligayahan ng aktor, ‘di ba naman?

Dahil sa basher, Kris nagpadala ng pagkain sa school

Sa kanyang ipinost na video sa Instagram ay ikinuwento ni Kris Aquino ang pagpatol niya sa basher na nagkomentong bad example siya dahil sa pagkain nila sa bed ng anak na si Bimby.

“Sanay na ‘yung bahay ko, sanay na ‘yung mga katrabaho ko na after a TVC (TV commercial), I’m just really in bed,” simula ni Kris.

“All praises ka, eh, so parang gusto ko. O ‘di nagpabili ako ng siopao. Malay ko ba na that post of me and Bimb eating, there would be that troll saying na parang ang bad example raw namin na eating in bed. Duh! What’s your issue?

“So, pumatol ako in a very nice way naman. Sinabi ko I’ll send you nga halo halo para you can chill. And it became viral,” kwento ni Kris.

Siyempre, damay sa viral ang Chowking mismo partikular na ang siopao at halo-halo. Ngayon nga ay ginamit na ni Kris na hashstag ang “para you can chill”.

Naisipan tuloy ng Chowking na gamitin ito para makatulong sa mga tao. Nagdala sila ng siopao at halo-halo sa Ramon Magsaysay High School na laman din ng video ni Kris. Yes, siya mismo ang nagdala ng pagkain sa nasa­bing school.

Ang ginawang ito ni Kris ay umani ng katakut-takot na positibong komento mula sa kanyang followers.

FOTY mainit na tinanggap

Nagsama-sama ang magaganda at gwa­po sa ginanap na press presentation ng Face of the Year 2018 last Saturday night sa Pacific Star Building sa Makati.

A total of sixty candidates (30 sa Men’s Division at 30 sa Women’s Division) ang ipinakilala sa press nang gabing iyon at lahat naman talaga  ay magaganda at guwapo. Kanya-kanyang bet ang entertainment press sa mga kandidato na posibleng mag-uwi ng korona sa gaganaping coronation night on Jan. 20, 2018.

Siyempre, punong abala ang founder ng Face of the Year na si Jojo Veloso na isa ring talent manager. Masayang-masaya siya na after nine years ay muling nagbalik ang kanyang brainchild na mahal na mahal niya.

“Sobrang happy ako at mainit pa rin ang pagtanggap ng mga followers ng FOTY specially the sponsors. Mas lalo akong natuwa nang madami ang nagsasabi na talagang magaganda ang sumasali sa FOTY compared to other search. I was overwhelmed sa naging outcome ng event tonight. Super-successful,” pahayag ni Jojo V.

Taong 1981 nang simulan ni Jojo ang naturang modeling search at dito na nga rin ipinanganak ang PHILMODA (Phi­lippine Modeling Agency) na pinamahalaan niya for the longest time. Kasabay ng paglaki ng nasabing management and modeling agency ay ang paglaki rin ng kanyang pangalan bilang talent manager.

Ilan sa elite list of discoveries ni Jojo ay sina Alice Dixson, Aiko Melendez, Gary Estrada, Antoinette Taus, Timmy Cruz, Plinky Recto, Lander Vera Perez, Loren Legarda, Lotis Key, Cheska Inigo, Monette Rivera, Lyn Ynchausti-Cruz, among others.

Ang huling Face of the Year ay ginanap pa noong 2008 at sa tulong ng 16 Degrees Entertainment Production, muli itong bumabangon ngayong taon para muling tumuklas ng mga bagong potensyal sa modeling world at maging sa showbiz din.

Prior to the coronation night, gaganapin ang swimsuit competition on Nov. 14 at sa Dec. 16 naman ang Glamour Night.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with