^

Pang Movies

Ama ni Nadine nagsalita na rin sa pagkamatay ng anak

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Ama ni Nadine nagsalita na rin sa pagkamatay ng anak

Nadine Lustre

Nagluluksa ang pamilya ni Nadine Lustre dahil sa untimely demise ng kanyang kapatid na si Isaiah.

Malalim ang sugat na iniwan ni Isaiah sa puso ng mga nagmamahal sa kanya dahil nagpaalam siya bago sumapit ang kaarawan niya.

Mabigat na mabigat ang kalooban ng mga magulang ng nasawi dahil masakit para sa kanila ang mawalan ng anak.

“The lost of a father or a mother is painful, the lost of a son is unbearable. The demons of depression is devouring our youth. I call out to all sons and daughters to please stop hurting yourselves.

“Your depression is incomparable to us parents when you do. Life is beautiful. Please bear that in mind. Happy Birthday Ice. We love you so much,” ang sabi ni Ulysses, ang ama ni Nadine.

Alex aminadong choosy

Inamin ni Alessandra de Rossi na namimili na siya ng mga gagampanan na karakter sa pelikula.

Naranasan na ni Alessandra na gumanap na teacher sa pelikula kaya tinanggihan niya ang isang project na teacher uli ang kanyang role.

Hindi rin tumatanggap si Alessandra ng role na nanay ng 18 years old dahil bata pa siya para gumanap na madir ng isang teenager.

Hindi nagdalawang-isip si Alessandra na gawin ang 12 dahil bukod sa siya ang bida, siya rin ang sumulat ng kuwento.

Limang taon na magkaibigan at pitong taon na may relasyon ang kuwento ng 12. Mura ang budget ng pelikula dahil dalawa lang ang karakter, si Alessandra at si Ivan Padilla na gumanap bilang love interest niya.

Ivan ‘di pa huli sa pagpasok sa showbiz

Ma at pa ang sagot ko sa mga nagtatanong tungkol sa age ni Ivan Padilla na pamangkin nina Rustom at Robin Padilla.

Basta ang nakarating sa akin na balita, umapir si Ivan sa isang pelikula ni Lea Salonga at ten years old siya noon.

Early 90’s nang gawin ni Ivan ang pelikula at kung kukuwentahin ang edad niya mula noon hanggang ngayon, lalabas na 37 years old na siya.

Hindi pa naman huli para maging active sa local showbiz si Ivan dahil puwede niyang sundan ang yapak nina Ri­chard Yap at Ian de Leon na ti­ni­tilian ng fans, kahit forty-plus na ang mga edad.

Hindi pa naman mukhang tatay si Ivan dahil physically fit siya. Mapagkakamalan pa si Ivan na late 20s ang edad.

Bunso nina Boyet at Sandy, susubukan ang kapalaran sa big apple

Goodbye Philippines na si Gabriel de Leon, ang youngest son nina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Nag-decide si Gabriel na talikuran ang showbiz at subukan ang kapalaran niya sa New York.

Lumabas si Gabriel sa mga teleserye ng Kapuso Network pero hindi rin siya naging active sa showbiz.

May blessing nina Sandy at Boyet ang pasya ng kanilang anak na manirahan at magtrabaho sa New York, tulad ng kanilang mga anak na sina Rafael at Miguel.

New Zealand-based na si Rafael samantalang matagal nang residente ng California si Miguel. Tanging si Gabriel ang nagkaroon ng hilig sa showbiz pero nagbago rin ang priorities niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with