Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Derrick idinenay na nagpapataas ng TF

Nakita namin si Derrick Monasterio noong isang araw sa lobby ng GMA Network kaya natanong namin siya kung totoong aalis na siya at lilipat sa isang talent agency? Iyon daw ang gusto ng mommy niyang si Tina Monasterio.  May nagsasabi pang baka nagpapataas siya ng talent fee kaya may lumabas na ganoong balita.

“Nagtataka nga po ako kung saan nanggagaling ang balitang iyon,” sagot ni Derrick. 

“Wala po naman akong ganoong balak, nasa GMA at GMA Artist Center pa rin po ako at wala akong balak na lumipat. Hindi rin po totoo iyong sa talent agency na lilipatan ko raw, nakakahiya nga po dahil pati sila nadadamay.”

Katatapos lamang ni Derrick ng telefantasyang Mulawin vs. Ravena at medyo nagpapahinga muna siya pero alam daw niya may inihahanda nang bagong project sa kanya ang GMA.

Millenial babies ni Mother bibigyan ng break

Pinapirma na ni Mother Lily at daughter Roselle Monteverde ang mga bago nilang Regal Millennial Babies. Bibig­yan nga nila ng movie break ang mga beauty queen na nanalo sa katatapos na Miss World Philippines.

Pumirma sa harap din ng ka­nilang manager na si Arnold Vegafria sina Miss World Philippines Laura Victoria Lehmann, Miss Hispanoamericana Filipinas Teresita Ssen Marquez (Wyn Marquez), Miss Multinational Philippines Sophia Senoron, Miss Eco Philippines Cynthia Tomalla, First Princess Glyssa Leiann Perez, at Second Princess Zhaniethia Jimenez.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Wyn ’di sasamahan nina Alma at Joey sa laban

Excited na si Wyn Marquez dahil siya ang first Filipina to be the representative sa Reina Hispanoamericana to be held this year sa Sta. Cruz, Bolivia.  Hindi raw familiar sa atin ang said beauty pageant pero 28 years na pala itong isinasagawa at this year lamang sila nag-invite ng Asian candidate. Kaya flattered siya na siya ang nanalo ng title sa Miss World Philippines. 

Nag-aaral ba siyang magsalita ng Spanish at sino ang makakasama niya sa pag-alis niya next month?

Nag-aaral din po ako, pero hindi kayang matutunan ko ang language for a short time,” sabi ni Wyn na nagsasalita ng ilang Spanish word habang kausap siya. 

“Pero mayroon daw naman silang ipu-provide na interpreter sa akin sa pageant.

“Hindi ko po maisasama si Mama (Alma Moreno) hindi siya pinayagan ng doctor niya.  Si Papa (Joey Marquez) ay may asthma at hindi niya kakayanin ang 26 hours na flight to Bolivia. Si Mark (Herras), hindi ko na isinama dahil ang mahal ng ticket plus may sinisimulan siyang teleserye sa GMA, saka ayaw ko rin baka mas nerbyosin ako kapag nakita ko siyang nanonood sa akin. Si Kuya Yeoj (older brother) ang isasama ko, kasi ang dami kong dalang luggages, hindi ko kayang buhating mag-isa ang mga iyon.  I will be wearing a Pintados inspired national costume at nag-volunteer na akong mag-perform ng isang dance number, nang magtanong sila kung sino ang marunong su­ma­yaw. Nine­nerbyos po ako kaya hi­ni­hingi ko ang suporta ninyo at dasal. I promise to do my best.”

Sa ngayon, napapanood na sa Face­book ang video ng pageant at puwede kayong mag-like para makatulong kay Wyn na makapasok sa list.

Ken kinanta ang theme song nila ni Barbie

Sandali rin naming nakausap si Ken Chan na magri-record daw siya ng theme song ng movie nila sa Regal Entertainment, ang This Time I’ll Be Sweeter nila ni Barbie Forteza. Siya raw ang naatasang kumanta ng theme song ng movie na dinirek ni Joel Lamangan at since may recording studio ang GMA doon na siya pinag-record ng Regal.

Malapit na rin kasi ang showing ng movie nila, sa November 8 kaya busy na silang nagpu-promote.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: