Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

FDCP C hair Liza humabol sa BIFF

Liza

Umuulan sa Busan, South Korea pero mabuti na lang may free umbrella sa hotel na tinutuluyan namin or else, mababasa kami nina Salve Asis at Isah Red. Paano na ang pagrampa namin sa red carpet ng Busan International Film Festival?

Gabi na nang dumating sa Busan noong Huwebes si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Liza Diño dahil nag-attend pa siya sa senate hearing. Kawawa naman si Liza dahil hectic ang schedule niya sa filmfest na dadaluhan namin.

Makapunta pa rin sana sa Busan si Sonny Calvento, ang anak ni Papa Tony Calvento. Si Sonny ang direktor ng Nabubulok na official entry sa BIFF.

Namatay si Papa Tony kaya baka hindi makarating si Sonny sa Busan. Kung hindi man siya makakasunod, maiintindihan naman ng lahat dahil sa biglang pagpanaw ng tatay niya.

Excited pa naman si Papa Tony sa pelikula na ginawa ng kanyang anak na inaanak ko naman sa binyag.

Mga lalaking lasing binubuhat ng mga babae sa Korea!

Bongga ang hotel na tinutuluyan namin dahil napapaligiran ito ng mga hotel at beer house.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Nakakaloka dahil nagkalat sa kalye ang mga lasing na Koreano. True pala ang mga eksena na napapanood ko sa mga Koreanovela na binubuhat ng mga babae ang mga nalalasing na mhin.

Hindi ko yata ma-imagine ang sarili ko na may naka-piggy back ride sa akin na lasing na Koreano dahil sangkatutak nga ang mga lango sa alak na mhin sa paligid ng hotel na tinitirhan namin.

Lee Min Ho at Kim Soo-hyun sikat na sikat pa rin sa Korea

Aside from our private sponsors, tinulungan talaga kami ni Chair Liza at ng kanyang very competent assistant na si Ria.

Big help talaga si Liza at ang kanyang staff sa Pinoy delegates sa BIFF. Excited sila dahil ito raw ang pinaka-successful na Asian film festival bilang sobra-sobra ang popularidad ng mga Korean actor.

Nag-ikot kami sa isang mall sa Busan sa unang araw namin noong Huwebes.

Malapit lang ang mall mula sa hotel na tinutuluyan namin pero sumakay pa rin kami ng ta xi.

Very near din ang aming hotel sa pagdarausan ng BIFF. Nakakaloka dahil nagkalat sa kalye ang mga billboard nina Lee Min Ho at Kim Soo-hyun.

Medyo na-insecure ako dahil wala pa akong nakikita na litrato ng mga favorite Oppa ko, sina Song Joong-Ki at Jo In-Sung pero okey lang. Mas mahalaga na makita ko sila nang up close and personal.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: