Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Aga mas pinag-iinteresan ng mga faney

Aga Muhlach

Walang duda, sabihin mang bida rin si Aga Muhlach sa kanyang ginawang pelikula, lalabas na hindi naman siya ang masasabing main lead sa rami ng mga artistang kasama niya. Ikalawa, bale come back niya iyan dahil anim na taon din siyang hindi gumawa ng pelikula. Naging inactive siya simula nang tangkain niyang pumasok din sa pulitika. Pagkatapos naman noon, medyo bumigat din ang kanyang timbang.

Kaya nga ngayon sinasabi rin niyang may mga role na hindi pa rin niya magagawa, dahil aminado naman siyang hindi pa rin niya naabot iyong ideal weight para sa kanya.

Mabibigat din naman ang ibang male stars na kasama niya sa pelikula. Kasama niya si Dingdong Dantes na ang claim ng home network noon ay siyang “prime time king”. Kasama rin si Enrique Gil na kung sabihin naman ng kanyang home network ay “hitmaker”. Pero inoobserbahan namin ang na­ging takbo ng publisidad ng pelikula, ang madalas naming nababasa ay si Aga.

Siguro dahil talagang interesado ang mga tao kay Aga. Baka nanabik din sa kanya ang publiko dahil anim na taon siyang nawala. Pero may isang punto pang kailangan natin tanggapin. Kahit na may mga kasama siyang ibang artista sa pelikula niya, pinaniniwalaang siya ang magbebenta ng pelikula kaya hinayaang ang publisidad ay umikot sa kanya. Kasi kung hindi siya ang inaasahang babatak ng tao para panoorin ang pelikula, tiyak na ihahabol nila ang publisidad ng iba.

Kung sa bagay, hindi naman maikakaila na sa kanilang lahat, si Aga ay nakarating doon sa punto ng kasikatan noong araw na tinatawag na nga ang kanyang career na isang “phenomenon”. May mga observer na nagsasabi kahit noon na walang ibang artistang Pilipino na umabot sa ganoon katinding popularidad maliban nga siguro kay Fernando Poe, Jr. at sa dating ambassador na si Rogelio dela Rosa. Usually kasi, sinasabing ang leading man ay support lamang ng mas sikat niyang leading lady, pero hindi ganoon ang nangyari kay Aga. Siya ang nakakadala sino man ang kanyang maging leading lady.

May mga artista kasi talaga na kahit na mapahinga nang matagal, nakakabalik agad, at palagay namin isa si Aga sa ganoon.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Kaya ‘nilalandi’ si Robin, Sharon nagsisimula na sa promo ng pelikula

Mabilis na nagpaliwanag si Sharon Cuneta, kasi lately nag-post siya ng mga interview kay Robin Padilla noong araw na nagsasalita tungkol sa kanya. Inamin naman ni Sharon na na-in love sila noong araw, pero ngayon naman daw ay wala na silang malisya. Alam naman nating may asawa na si Sharon. Si Robin naman ay asawa na rin si Mariel Rodriguez at may anak na rin sila.     

Pero may nagsasabi nga, ang lahat ng iyan ay preparasyon para sa sinasabing pagtatambal nilang muli sa isang pelikula na ang una naming narinig ay ipapalabas dapat sa susunod na buwan, pero hanggang ngayon yata ay hindi pa nasisimulan. Kaya matuloy man iyan, sigurado sa susunod na taon na iyan maipapalabas. Pero ok din iyang ginagawa ni Sharon na siya mismo ang nagsisimula sa pagre-revive ng publisidad para sa kanilang love team.

Kaso sa sitwasyon nilang dalawa ni Robin, hindi mo maaaring asahan na matawag ang inte­rest ng publiko kung ang aasahan mo lang ay social media. Kailangan mabigat ang promo nila lalo na kung iisipin ang resulta ng mga pelikulang pinanggalingan nila.

Depression mabigat ang pinag-ugatan

Mabigat pala talagang kaso ang depression. Sinasabi nila, sa show business lamang dalawang kaso na ng suicide ang naibalita na ang pinagmulan ay depression.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: