Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Dingdong inirampa si Marian sa balwarte ng Kapamilya

Dingdong Dantes at Marian Rivera

Liza at Enrique ’di affected na bubuwagin na

Hindi lang ang kanilang Atasha at Andres ang kasamang dumalo nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales sa premiere ng comeback film ni Aga, Seven Sundays, na ginanap sa Megamall last Tuesday, October 10.

Dumating din ang panganay ni Aga na si Luigi, anak niya sa aktres na si Janice de Belen. And, of course, mother-in-law, Elvie Gonzales. His dad, Cheng Muhlach at mga kapatid na sina Arlene at Albert, who were with their respective spouses.

Si Arlene ay active pa rin sa kanyang showbiz career. Napanood siya sa katatapos na series na A love To Last, na tinampukan nina Bea Alonzo, Iza Calzado, at Ian Veneracion.

Namataan din namin ang mga long-time friends ni Aga na sina Gelo Serrano, Serafin Pua, at Jobet Reyes, kasama ang misis na si Wena.

For Atasha and Andres, who are both good-looking enough to follow their parents’ footsteps, ang pagdalo nila sa premiere ng Seven Sundays ay isang experience to remember. First time nila to be part ng isang event sa showbiz, where their dad was one of the honorees.

Of course, sinuportahan din ng mga pamilya’t kaibigan ang iba pang cast ng Seven Sundays. Dumating si Dingdong Dantes kasama si Marian Rivera. Cristine Reyes with husband Ali Kathibi, Ronaldo Valdez kasama ang asawang si Marife. And of course, Enrique Gil with Liza Soberano na sweet sa isa’t isa. Cathy Garcia, who directed Seven Sundays and will reportedly get married again in two years, ay walang escort.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Alone rin si Kakai Bautista, na guma­nap bilang efficient assistant ni Dingdong sa kanyang opisina.

Mag-isa rin si Ketchup Eusebio, na agaw-pansin ang role sa pelikula. Gayun din ang mga batang gumanap bilang mga apo ni Ronaldo, kabilang na si Alyanna Angeles at Kyle Echarri, na introducing sa movie.

More sidelights: Missed ang managing director ng Star Cinema, na siyang nag-produce ng Seven Sundays, si Malou Santos. May sakit daw si Ms. Santos ayon sa creative head ng film firm na si Direk Olive Lamasan.

Direk Olive attended the premiere with former ABS-CBN President and CEO, Charo Santos-Concio, who remains a top executive of the Network. She co-produce Seven Sundays with sister Malou.

Sa cast party, after the premiere, namataan namin si Direk Mae Cruz-Alviar, who just arrived from the US. Naroon din sina Andrea Brilliantes, Darren Espano, Ylona Garcia.

Dalawang artista ng isang network, may awayan sa pelikula

Patuloy pala ang iri­ngan ng dalawang top talents ng isang top network, who has a sister film firm.

May kinalaman daw ito sa pelikulang sabay nilang kasalukuyang ginagawa.

Former best friends, they did film together which were both blockbusters.

Sad, if they don’t kiss and make-up before the holiday season.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: