^

Pang Movies

Dingdong nambibitin sa pagsabak sa pulitika!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Sa grand presscon ng Seven Sundays held last Sunday ay naitanong namin sa isa sa bida ng movie na si Dingdong Dantes ang tungkol sa balitang umiikot na tatakbo siyang Congressman ng 2nd District ng Quezon City sa next election.

“May mga projects ako na nandu’n ngayon. Nationwide naman kasi ‘yung range ng aming projects sa Yes Pinoy (ang foundation na itinatag niya noong 2009), but we also have projects in Quezon City specifically, kaya siguro ganu’n (ang lumalabas),” pahayag ni Dong.

Pero sa ngayon ba ay may mga offer na or planong pasukin niya ang pulitika?

“Para sa akin, tuluy-tuloy lang naman ang paggagawa ng mga proyekto para sa mga kabataan saka for disaster preparedness, so hindi naman tumigil ‘yun, eh. Siguro, mas nag-i-intensify lang ngayon dahil siyempre, ‘yung support, mas dumadami.

“Nagdu-double time rin kami sa fund-raising campaign kasi siyempre, mas nandun ‘yung pangangailangan. Hindi naman kami titigil sa paggawa ng ganu’ng advocacy namin.’

So, open siya sa posibilidad na pasukin niya talaga ang politika?

“Alam mo, maganda siguro kung ang mindset ay open ako na hindi tumigil sa pagtulong sa kung ano ang need sa ngayon and para sa akin, nag-i-evolve parati ‘yung foundation namin sa kung ano’ng kailangan ng bawat lugar, lalo na ang kabataan. So, patuloy lang talaga ‘yun.”

But just in case na tumakbo siya ay natanong na rin kay Dong kung sa partido ba siya ni former President Noynoy Aquino mapapasama.

“Independent naman kami magmula noon,” aniya.

Kapansin-pansin na hindi sinagot ni Dong ng direkta kung tatakbo ba siya o hindi kaya take it from there.

Aga pinagtulungang purihin nina Dingdong, Cristine, at Enrique!

Sa presscon pa rin ng Seven Sundays, parang may tribute kay Aga Muhlach ang mga co-stars niyang sina Dingdong, Cristine Reyes, and Enrique Gil pati na rin ang direktor nilang si Cathy Garcia-Molina sa mga papuring ibinigay nila sa aktor.

Si direk Cathy ang isa sa pinakanatutuwa na finally ay natuloy na rin na makatrabaho niya si Aga.

“Ka-tense!” ang unang deskripsyon niya on how it was working with Aga. “Eh syempre, “the” Aga Muhlach, eh. So, parang noong unang araw namin, parang hindi ko alam kung kaya ko siyang sabihan ng take 2, take 3, ikokorek, kasi Aga Muhlach na siya, eh.

“And best actor, ‘di ba, ng gene­ration niya, so ang hirap kasi, mas experienced pa siya sa akin. So, alam ko, mayroon siyang ibang pagtingin minsan sa eksena, they’re diffe­rent from mine.        

“What I love about him is he trusted me. Thank you. And ‘yun lang naman ang kailangan ko para mawala ‘yung hiya ko, mawala ‘yung inhibitions ko. Para mas ma-guide ko siya along with the other actors.”

Si Dingdong naman ay ini-reveal na fan pala siya ni Aga noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

“Growing up, I admit na si Aga Muhlach ay idol ko. Saka kaya rin ako talagang na-convince to get into acting was because of his works also. Pero gusto ko lang din sabihin na ako’y fan of him as an actor, but now, I’m more a fan of him dahil sa kanyang pagkatao. Mas fan ako dahil sa kanyang persona more than him being an actor dahil nabigyan ako ng pagkakataon na makilala siya at nabigyan ako ng pagkakataon na maging younger brother to him because ‘yung whole process namin of making this film is the process also of being in a family, a real family. ‘Yun ang ipinaramdam niya sa amin. Na talagang siya ang kuya naming magkakapatid.

“And this is one of the things na I am grateful for an as actor, dahil siyempre, bukod sa nakakakilala ka ng ibang tao, ng fellow actors mo ay you also get to experience a different role and being brothers to other people. And napakasuwerte na siya ang na­ging kuya ko rito,” pahayag ni Dingdong.

Ayon naman kay Quen, ang maganda raw kay Aga ay napaka-open nito at napaka-giving.

“He’ll talk to you, he will teach you, at ‘yung mga itinuturo niya sa akin sa tent, pag-take, ginagawa ko talaga. ‘Yung mga sinasabi niya, ‘yung mga ganu’n, ‘yung timing, ginagaya ko talaga as in I really listen to him and thank you kasi bihira ‘yung aktor na ganu’n, eh,” say ni Quen.

Ayon pa kay Cristine, tulad ni Dong ay fan din daw siya ni Aga at pinapanood niya ang lahat ng movies and TV shows nito noon.

“Lahat tayo – hindi lang ako – pinaiyak, pinatawa, at naka-relate. Sobrang relatable. ‘Pag si Aga Muhlach na ang umarte, ‘yung nandiyan, pinapanood mo, mapa-sinehan man o sa TV, talagang nanonood tayo. So, ‘yun talaga.

“Pero tama si Dingdong na mas nakilala namin siya dahil dito sa project na ito, dahil dito sa pelikula na ‘to. Mas lalo akong humanga dahil hindi mo mararamdaman ‘yung Aga Muhlach, ‘yung kung gaano kalaki ang pangalan niya, hindi mo mararamdaman ‘pag kasama mo siya dahil hindi niya ‘yun ipinaramdam sa amin.

“Sobra. Napakabait, napaka-humble and thankful ako na nakatrabaho kita,” sey ni Cristine kay Aga.

Sobrang flattered and thankful naman ang aktor sa mga pahayag ng co-stars at aniyang nagbibiro, baka naman daw kunin na siya ni Lord.

Samantala, Ang Seven Sundays ay palabas na this Wednesday, Oct. 11 at kasama rin dito nina Aga, Quen, Dingdong, and Cristine si Ronaldo Valdez na gumaganap bilang kanilang ama.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with