^

Pang Movies

Direk Joyce ngayon lang napagsabay sina Piolo at Toni

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Direk Joyce ngayon lang napagsabay sina Piolo at Toni

Piolo Pascual, Direk Joyce Bernal at Toni Gonzaga

Unang beses pala na naidirek ni Direk Joyce Bernal sina Piolo Pascual at Toni Gonzaga ng magkasama sa pelikulang Last Night. Individually, though, naidirek na niya ang dalawa.

Si Piolo sa some movies na ka-tandem niya si Judy Ann Santos. Si Toni naman sa D’Anothers, kung saan kapareha niya si Vhong Navarro.

First movie rin itong Last Night na ididirek ni Direk Joyce based sa story ni Bela Padilla.

Direk Joyce, though, is co-producing Last Night for her Spring Films which she co-owns with Piolo, N2 na film outfit naman ni Neil Arce na ex-boyfriend ni Bela, at Star Cinema.

Huling pelikula raw itong Last Night na ididirek ni Joyce, dahil magpu-focus na siya sa pamamahala ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017 entry ng Star Cinema, starring Vice Ganda, Pia Wurtzbach at Daniel Padilla.

May premiere tonight (Sept. 26) ang Last Night sa Cinema 7 ng Megamall.

Mga aklat ni Rita nanalo sa Best Books for Kids

How nice naman, Salve A., of Rita Avila, to send us copies of two children’s books, na kanyang isinulat, ang The Invisible Wings 3 and Ang Kwento Nina Popi Puti at Mimim Makutim, na kasalukuyan nang mabibili sa Saint Paul Bookstore at National Bookstore nationwide.

“Affordable ang prices ng books,” ani Rita.

Nagkaroon si Rita ng book launch recently sa Mall Of Asia na dinaluhan nina Marian Rivera at Jean Garcia. Ang dalawa ay ilan sa mga malalapit na kaibigan ni Rita sa showbiz.

Hindi raw pumasok sa isipan ni Rita ang mag-artista noong nag-aaral pa siya sa University of Santo Tomas kung saan siya nagtapos ng Hotel and Restaurant Management.

Naging contract star si Rita ng Seiko Films noong kanyang kabataan.

Married si Rita sa TV director na si FM Reyes at kwento niya, isa si Direk FM sa nag-encourage sa kanya na sumulat ng mga libro para sa mga bata.

Nagkaroon ng anak ang mag-asawa na binawian ng buhay matapos isilang ang bata (isang babae) ni Rita.

Tatlo sa mga aklat ni Rita ang umani ng nominasyon sa Jaime Cardinal Sin Book Awards at dalawa naman ang nanalo sa The Asian Parents List of Best Books for Kids.

Bagama’t successful author na maituturing si Rita, paminsan-minsan, tumatanggap pa rin siya ng assignments for TV.  Katatapos lang niya gawin ang isang serye sa Kapuso network.

Sen. Bong matindi ang paniniwala na makakasama na si Jinggoy sa labas

Iisa lang ang hope at dalangin ng malalapit na relatives at kaibigan ni former Senator Bong Revilla, who took time na batiin siya sa kanyang 51st birthday sa PNP detention center, kung saan siya namamalagi hanggang ngayon, na ito na ang hu­ling pagdiriwang niya ng kanyang kaarawan doon.

“Iyan din ang dalangin ko,” susog ni Sen. Bong. “Pero, hindi ko ipagkakailang sa pagkakulong ko rito, lalong tumatag ako. At naniniwala akong may dahilan kung bakit ginusto ng Diyos na maranasan ko ang nangyaring ito sa akin.

“As a result, naging lalong tumatag ang paniniwala ko sa kanyang wisdom, ang pagmamahal ko sa bayan, sa aking kap­wa.  Lalo na sa aking pamilya.”

Three years din silang nagkasama ng kanyang best friend and fellow former Senator Jinggoy Estrada, well, sa nabanggit na custodial center.

Matindi ang kanyang paniniwala, ani Senator Bong, na malapit na silang magkakasama muli, bilang kapwa laya na.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with