Kapamilya sampung parangal ang nasungkit sa 1st Gawad Lasallianeta
MANILA, Philippines — Matagumpay ang ABS-CBN sa kauna-unahang Gawad Lasallianeta ng De La Salle Araneta University dahil nagkamit ito ng sampung parangal para sa news at entertainment programs at personalidad ng Kapamilya network.
Itinanghal ang FPJ’s Ang Probinsyano, na nagdidiwang ng pangalawang taon nito sa telebisyon, na Most Outstanding Primetime Show; nasungkit ng top-rating show na It’s Showtime ang Most Outstanding Noontime Show; nanalo naman ang Sunday Variety program na ASAP bilang Most Outstanding Variety; pinarangalan ang late night Kapamilya talk show na Gandang Gabi Vice bilang Most Outstanding Talk Show, at panalo ang Umagang Kay Ganda bilang Most Outstanding Morning Show.
Pinarangalan din ang Kapamilya personalities sa Gawad Lasallianeta Awards kabilang sina Angel Locsin at Bela Padilla (Most Outstanding Lead Actress in a TV Series for MMK), Vice Ganda (Most Outstanding TV Persona?ity), Doris Bigornia (Outstanding Female News Reporter), at Liza Soberano (Most Effective?ndorser).
Samantala, awardees naman ng Zeal of Lasallian Excellence as Media Communicators sina Jodi Sta. Maria, Enchong Dee, Gary Valenciano, at Ogie Alcasid.
Layunin ng 1st Gawad Lasallianeta na kilalanin ang mga natatanging media personalities na nagsisilbing role models sa Lasallian community. Member institution ang De La Salle Araneta University (DLSAU) ng De La Salle Philippines.
- Latest