^

Pang Movies

Ginawa ni Joshua kay Julia nagagamit sa promo?!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Ala eh, mahusay talagang magpaibig ang mga Batangueno tulad ni Joshua Garcia na umani na naman ng maraming pogi points mula kay Julia Barretto at maging sa kanyang fans.

Sino ba naman ang hindi kikiligin sa sorpresa ni Joshua kay Julia para yayain itong maka-date sa upcoming Star Magic Ball?

Ikaw ba naman ang haranahin ng kanta ni Ed Sheeran habang may hawak na signage ang grupo na kumanta na Will you be may date? sa bakuran ng mga Barretto.

In all fairness kay Joshua, mahusay siyang dumiskarte sa kanyang panliligaw sa aktres na talagang nag-i-effort.

Kinilig pa lalo ang fans nang magbigay si Joshua ng bouquet of roses at magyakapan ang dalawa. Maraming nainggit na fans ng JoshLia sa ginawa ng binata na wish nila ay gawin din ito ng kanilang mga dyowa.

Siyempre hindi maiwasan na magkaroon ng bitter na sinasabing promo lang ang ginawa ni Joshua.

Ipinagtanggol ng mga JoshLia na tapos na ang movie ng dalawa. Ayaw paawat ng iba na nag-comment pa na gimik lang ito para sa bagong series ni Joshua na bida sa The Good Son. In all fairness sa nasabing palabas ay mukhang maganda ang bagong family drama ng Dreamscape kahit trailer pa lang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with