^

Pang Movies

Marian sumasabak sa maselang stunts!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Inaabangan na ng DongYans at ng mga sumusubaybay sa drama-fantasy series ni Marian Rivera-Dantes na Super Ma’am ang paglabas ngayong gabi ng heroine na magiging alter ego ni Minerva Henerala, matapos siyang makagat ng Tamawo. 

Kinagat din niya ang Tamawo at si Minerva ang pinalad na mabuhay at naging isang Super Ma’am nga na lumilitaw tuwing may inaapi at nabibingit sa kamatayan.?indi ba nahirapan si Marian sa pagganap niya bilang si Super Ma’am?

Siyempre ay mahirap din ang mga action scenes na ginagawa ko, pero hindi naman ako pinababayaan ng trainor ko kung ano ang dapat kong gawin para hindi rin ako masaktan, nakangiting sagot ni Marian.

In fact, ini-enjoy ko nga ang eksena at hanggang maaari hindi ako gumagamit ng double, para mas ma-feel ko ang ginagawa ko. Saka hindi ako nakakalimot magdasal bago gawin ang isang eksena.

Napapanood ang Super Ma’am after ng 24 Oras.

Devon binitin ng Korean actor

Mamayang gabi na ang premiere night ng You With Me sa Trinoma Cinema, ang first starring role ni Devon Seron. Sa rami ng talents ng Star Magic ng ABS-CBN ay siya ang nakapasa para makagawa ng movie sa South Korea, katambal ang dalawang sikat na Korean actors na sina Hyun Woo at Jin Ju-Hyung.

Biniro si Devon sa grand launch ng movie na ang haba ng buhok niya dahil dalawang sikat na Korean actors ang katambal niya.?werte rin ni Ju-Hyung dahil siya pa lamang ang nakasama ni Devon sa presscon dahil si Hyun Woo ay may ginagawa raw ngayong K-Drama pero darating siya ngayon para sa premiere showing at magkaroon din ng chance na makapag-promote ng movie na mapapanood na in cinemas nationwide simula sa Wednesday, September 27.

Si Ju-Hyung naman ang tinanong kung girlfriend material ba si Devon, na mas nakakausap ng actress dahil marunong itong mag-English.

Yeah, for sure, sagot ni Ju-Hyung.? Were just friends, close friends, we always talk to each other in English, we can communicate thats why were close.? Shes kind and her personality is so nice, and she has a good manner, shes good.

Liligawan ba niya si Devon?

Let me think about it. Yeah, I like her, gusto kita.

May ilang Tagalog words na ring alam si Ju-Hyung at paborito raw niya ang sinigang at adobo.?our days din pala silang nag-shooting dito pero 80% ng movie ay kinunan ang kabuuan sa South Korea.? Gusto rin ng actor na magkaroon ng career dito sa Pilipinas dahil nagustuhan niya ang working schedules dito.

Ten days ang pananatili rito ni Ju-Hyung at gusto raw niyang pumunta ng Palawan.?a Satur?ay, September 30 ay Star Magic Ball, siya ba ang magiging escort ni Devon? “Secret! ang sagot ng actor.

Isang romantic comedy ang You With Me na kinabibilangan din nina Tonton Gutierrez, Assunta de Rossi, Jon Lucas, Faith dela Cruz, at ilan pang Korean actors.?a direksyon ni Rommel Ricafort, produced ito ng Gitana Film Production Ltd at Seoul Film Commission.

Ricky ayaw patalo kay Janice

Riot daw ang eksena ngayong gabi ng My Korean Jagiya dahil magkikita na sina Josie (Ricky Davao) at Raymart Santiago.

Ano kaya ang gagawin ni Gia (Heart Evangelista) sa pagsasabong na ito ng dalawa niyang ‘tita’, sina Josie at Aida (Janice de Belen)??

Sa mga nakaraang episode kasi, si Aida ang nakakita kay Raymart at na-in love siya agad dito, natagpuan na raw niya ang kanyang “forever.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with