^

Pang Movies

Bela dalawang araw lang isinulat ang kwento nina Toni at Piolo

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Aminado si Toni Gonzaga na iba talaga ang impact na ginawa ng isang Piolo Pascual sa buhay niya starting from the time na nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

Kasi nung nagsimula ako, yung big break ko talaga, dun sa sumigaw ako ng I love you Piolo! Di ba nga, for one year, nung nagsisimula ako, ang pangalan ko, si I love you Piolo? Hanggang sa nalaman lang nila, ah yun pala si Toni. So, iba yung impact sa akin ni PJ, sa buhay ko, pahayag ni Toni.

Ayon pa sa aktres/TV host, ito ang palagi niyang ipinagpapasalamat kay Piolo.

I will always be thankful and grateful na nakilala ko siya at nagkasama kami.

Reunited sina Toni at Piolo sa pelikulang Last Night ng Star Cinema mula sa panulat ni Bela Padilla at sa direksyon ni Joyce Bernal. This is their second movie together at ang una nila ay ang Starting Over Again in 2014 na naging blockbuster sa takilya.

Sa pangalawang pagka?ataon, ani Toni, kung dati ay admiration as a co-worker ang nararamdaman niya kay Piolo, ngayon daw ay mahal na niya ito.

Si PJ, mahal ko na siya ngayon. Dati, admiration. Ngayon ? as a co-worker ha ? mas minahal ko siya after this project. Kasi, mas nakita ko sa mata niya, mas iba yung passion niya, pagmamahal niya sa trabaho, pagmamahal niya sa kapwa-katrabaho niya, from utility to everybody, pantay-pantay ang tingin ni PJ. So, after this project, masasabi ko, mas mahal ko si PJ ngayon bilang isang katrabaho talaga, sabi ni Toni.

Ayon naman kay Piolo, talagang si Toni lang daw at wala nang iba ang nasa isip nila nang ipinasa pa lang sa kanya ang konsepto.

Wala kaming ibang choice. And Tin and I never planned to work together after Starting Over Again. Wala sa plano namin. Nakakatakot yung ganun. But when we read the script, ins?antly we just connected, sey ni Piolo.

Ayon naman kay Neil Arce na isa sa bumuo ng konsepto with Bela Padilla, nagda-drive raw siya with Bela noong time na binubuo nila ang kwento. That time, magkarelasyon pa silang dalawa.

Kwento naman ni Bela, sa Adriatico area pa niya isinulat ang script dahil gusto nilang Manila ang setting ng pelikula.

Isang buong maghapon kami nag-drive sa may Adriatico area, sa Manila area. So, nagsulat ako, naalala ko, isang araw sa Adriatico tapos, parang over-all, two days siya, sey ni Bela.

Three years ago pa nabuo ang script ng movie and this year lang nila na-pitch sa Star Cinema ang movie. At ngayon, showing na ang pelikula sa Sept. 27.

Shawie nag-emote sa urong-sulong na movie nila ni Robin!

Na-delay na naman ang shooting ng comeback movie ni Sharon Cuneta sa Star Cinema at reunion movie nila ni Robin Padilla. Dapat sana ay nag-start na silang mag-shoot ngayong Seyembre pero sa IG post ni MegaStar kahapon, naurong ito ng October.

My director is wrapping up her other movie and while she is, Im trying to lose a little more weight and will continue dieting even while Robin and I are filming.

Shooting 2nd?eek of October na po and as far as I know we are still showing in November. Chill, everyone.

This is how showbiz works. We all have the best intentions but sometimes nagbabago lang talaga ang scheds. Relax lang please yung mga sobrang demanding. Hahaha! Tao rin lang po kami. Okaaaaaay?!! post ni Shawie.

Token consistent sa pagtulong

Consistent talaga ang Charity Diva na si Token Lizares sa pagtulong sa kapuspalad nating mga kababayan sa iba’t ibang panig ng bansa.

She’s been having concerts here and there para makalikom ng pondo na itutulong niya sa mga orphanage, homes for the elderly, para sa construction ng mga simbahan at emergency room sa mga government hospital.

Ilan sa mga tinutulungan niya ay ang Holy Family Home, ABS-CBN Bantay Bata, at Balay Dalangpan, St. Mary’s Home for the Aged, Boy’s Home, Calvary Home, Suntown Camp Foundation, Home for the Blind, Girls Home, Lingkod ER, Breast Care Foundation, Corazon Locsin Montelibano Memorial Hospital,  at Franciscan Sisters of St. Anthony.

Sa ngayon ay naghahanda ang Charity Diva sa launching ng kanyang bagong album na may titulong Till The World Is Gone sa ilalim ng Vehnee Saturno Music Corporation.

Ito’y kasabay ng kanyang concert sa RJ Bistro, Dusit Thani Hotel, Makati, 8 p.m. sa Sept. 30. Mabibili na ang Till The World Is Gone sa Astro Vision/Astro Plus music stores sa buong bansa at mada-download na rin ang digital copies nito sa Spotify, Amazon, iTunes, at Google Play Store.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with